GMA-7 ends controversial publicity about Angel Locsin


GMA-7 has granted the request of Angel Locsin's camp not to air stories about the young actress' transfer to ABS-CBN.



Pinagbigyan na ng GMA-7 ang kahilingan ng marami na tapusin na ang usaping Angel Locsin.

Kahapon, August 5, sa labanan ng Showbiz Central ng GMA-7 at The Buzz ng ABS-CBN, naging highlight sa ABS-CBN showbiz talk show ang exclusive last-night footage ni Angel sa London, ang one-on-one interview ni Cristy Fermin kay Becky Aguila at kay Mr. Angel Colmenares, at ang interview ni Ruffa Gutierrez kay Valerie Concepcion na pumirma na ng three-month contract as co-host sa Wowowee.

Wala ni isa mang balita na ginawa ang Showbiz Central tugkol kina Becky, Angel, Valerie o kahit si Jennylyn Mercado.

Nagsalita na rin kasi ang GMA-7 management na pagkatapos ng interview ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV, two Sundays ago, sa Showbiz Central, hindi na muling sasagot ang Kapuso Network.

Ito rin naman ang request ni Becky noong presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN last August 3 na sana raw ay tigilan na si Angel. Kung kaya't pinagbigyan ang hiling niya na wala na ngang balitang inilabas ang Sunday showbiz talk show ng GMA-7.

Nakatutok na ang GMA-7 sa promotion ng Marimar na magsisimula sa Monday, August 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN