Erik Santos and Rufa Mae: "More than friends, less than lovers"


"Kung anuman iyong between the two of us sa ngayon sa amin na lang iyon. We're more than friends but less than lovers. Kung saka-sakali mang mabigyan ulit ng chance, di magsisimula kami from scratch," says Erik Santos about the current situation with ex-girlfriend Rufa Mae Quinto.


Matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila noong nakaraang buwan, muling nakitang magkasama sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos sa isang show na pinamagatang Love Birds sa Manila Hotel noong Sabado, August 4.

Isang senyales kaya ito ng muli nilang pagbabalikan?

Sa taped interview ng The Buzz kay Erik Santos kahapon, August 5, agad na nilinaw ng singer na naka-book na ang nasabing show nila ni comedienne Rufa Mae noong sila pa lamang. Dagdag pa niya, "Siyempre alangan namang i-cancel because of, you know, the breakup. Kahit anong mangyari, kailangan bigyan mo ng magandang performance iyong audience mo."

Inamin naman ni Erik na mahal pa rin niya ang dating girlfriend. Ngunit aminado naman siya na marami pa rin silang pagdadaanang pagbabago kung sakaling magkakabalikan man.

Paliwanag ni Erik, "Para at least kung ano man ang nangyari in the past, kung magkabalikan man, wala na 'yon. May mga gusto akong iayos sa relasyon namin at alangan naman na susugod agad sa balikan 'tapos mag-aaway lang din."

Hiniling din ni Erik sa media na hayaan na lang muna sila ni Rufa Mae. Aniya, "Kung anuman iyong between the two of us sa ngayon, sa amin na lang iyon. We're more than friends but less than lovers. Kung saka-sakali mang mabigyan ulit ng chance, di magsisimula kami from scratch."

Sa kabilang banda, bagama't hindi na sila ni Rufa Mae, hindi naiwasan ni Erik na tanungin ang dating girlfriend tungkol sa isyung nagkakamabutihan diumano sila ni Billy Crawford.

Kuwento ni Erik, "Wala man akong karapatang magtanong pero tinanong ko pa rin siya. Sabi niya it's not true so, ‘Sige, I believe you.' Siya na iyong nagsabi, so sa kanya ako maniniwala kasi mas kilala ko siya, e."

Hanggang ngayon ay bukas pa rin si Erik sa ideya na magkakabalikan pa sila ni Rufa Mae ngunit ayaw niyang madaliin ito. Paliwanag niya, "Siguro mas kailangan lang namin mag-mature, kailangan lang namin mag-focus. Kasi sobrang dami ng ginagawa namin ngayon parang no time for, alam mo yun, parang mga seryosohan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sinang-ayunan naman ito ni Rufa Mae sa taped interview sa kanya ng The Buzz matapos ang kanilang show. "Hindi naman nagmamadali, wala namang nagmamadali, kumbaga career na lang muna. Pag may time kami, kami pa rin 'yung nagkikita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN