Jodi Sta. Maria hints at Bela Padilla past feelings for Zanjoe Marudo

IMAGE @rbchanco / @bela / @onlyzanjoemarudo Instagram

"Muntik nang minahal?" Bela Padilla reacts to Jodi Sta. Maria's description of Zanjoe Marudo.


Natatawang umiwas si Bela Padilla nang ihayag ni Jodi. Sta. Maria na si Zanjoe Marudo ang leading man na "muntik nang minahal" ng nakababatang aktres. 

Sina Bela at Jodi ay co-stars sa Sino Ang Maysala?, ang bagong prime-time series ng Kapamilya network. 

Humarap ang dalawang aktres sa panayam ng TV host na si Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, noong May 2. 

Naglaro sila ng isang picture-guessing game kung saan pahuhulaan nila ang hawak na litrato ng isa't isa. 

Pinakahuli ang litrato ni Zanjoe, na hawak ni Bela, ang pinahulaan sa pamamagitan ng pagbigay ng description ni Jodi. 

Singit ni Tito Boy sa pinahuhulaang litrato, "Naging sila ba ni Bela?" 

Wala pa mang nababanggit na pangalan ay nilinaw na ni Bela na, "Wala pa akong naging leading man na naging kami." 

Bahagyang napabungisngis si Jodi at saka sinabi ang clue tungkol sa litratong hawak ni Bela. 

Bulalas ni Jodi, "Muntik nang minahal... OMG!" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila defensive na sagot ni Bela, "Ay, wow! Ay, di ko sasabihin. Wohoo!" 

Sinadya ni Bela na hindi banggitin ang pangalan ni Zanjoe hangga't hindi nagbibigay ng iba pang clue si Jodi.

Kaya ang sumunod na clue na sinabi ni Jodi, "Co-star sa My Dear Heart."

Sa puntong ito lang sumagot si Bela ng "Zanjoe Marudo." 

BELA-ZANJOE ALMOST ROMANCE?

Minsang nagkaroon ng espekulasyon sa ugnayan nina Zanjoe at Bela nang magkatrabaho sila sa 2017 prime-time series na My Dear Heart

Panay pa ang tuksuhan ng dalawa noon tungkol sa kanilang "taguan ng feelings."

Pati si Vice Ganda ay pilit na pinaaamin si Bela na "sila na" ni Zanjoe, sa episode ng Gandang Gabi Vice noong July 2017. 

Pero matapos ang ilang buwang espekulasyon hinggil sa tunay na ugnayan ng dalawa, bandang November 2017 nang linawin ni Zanjoe na "magkaibigan lang" sila ni Bela.

Base ito sa panayam sa aktor sa Magandang Buhay, kung saan sinabi rin niya na nais muna niyang manatiling single dahil hindi pa siya handa sa commitment. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Bela Padilla responds to question,
Bela Padilla responds to question, "Kelan ka mag-aasawa?"
Dani slams netizens mocking Bela for being single
Dani slams netizens mocking Bela for being single
Jodi Sta. Maria explains being on good terms with ex-husband Pampi Lacson
Jodi Sta. Maria explains being on good terms with ex-husband Pampi Lacson
Jodi Sta. Maria gives polite reply when asked about reported engagement of Jolo Revilla
Jodi Sta. Maria gives polite reply when asked about reported engagement of Jolo Revilla

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN