Dani Barretto slams netizen who insulted her husband Xavi Panlilio over Kier Legaspi issue

IMAGE @xavipanlilio and @kier_legaspi on Instagram

Dani Barretto defends husband Xavi Panlilio from a netizen, who criticized the latter for not having asked permission from Kier Legaspi (right photo), that he will marry Dani. Kier is Dani's biological father.


Hindi nakapagtimpi si Dani Barretto na sagutin ang isang netizen na kumastigo sa kanyang mister na si Xavi Panlilio.

Kinastigo ng netizen ang asawa ni Dani dahil sa hindi raw nito pagpapaalam kay Kier Legaspi, ang biological father ni Dani.

Si Dani, isang social media influencer, ay anak ni Kier kay Marjorie Barretto.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na hindi maganda ang relasyon ni Dani at ama nitong si Kier.

Wala si Kier sa kasal nina Dani at Xavi sa Santuario de San Antonio Parish, Makati City, noong April 23.

Si Marjorie ang naghatid kay Dani sa altar.

THE INSTAGRAM POST

Noong nakaraang linggo, nag-post si Xavi sa Instagram ng birthday greeting para sa kaibigan nilang si Bela Padilla.

Sa larawan, makikita sina Xavi at Dani kasama si Bela.

Sa comments section, isang netizen (@loveyou20191983) ang nagpatutsada kay Xavi.

Banat ng netizen: “kapal ng mukha nitong lalaki @xavipanlilio Dika man lang nagpaalam sa tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"gayahin mo c Ryan Agoncillo nagpaalam pa rin sa tatay ni Judy Ann. Kaya ayun punong puno ng blessings…

"magpaka lalaki ka iho @xavipanlilio"

Si Dani ang sumagot.

Buwelta niya sa basher: “Mas makapal mukha mo mag comment wala ka naman alam.”

NOT ON GOOD TERMS WITH KIER

Sa isang YouTube video noong Marso, inamin ni Dani na “not in good terms” sila ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “We were not in good terms and until now, we’re still not in good terms.

“To be honest, my dad and I never really had a solid relationship.

“All I know is he’s my dad, and that’s it.”

Nasanay na lang daw siya dahil sa matagal na panahong wala sa tabi ang ama.

“I guess when you’re apart for so long and you already grew up and nasanay ka na wala na yung tao sa life mo, you just feel, like, not naman that you don’t need the person… but it’s more like you’re okay without them.”

Aniya pa, mas mabuti raw na hindi sila nakapag-uusap ng ama upang maiwasan ang masaktan ang isa’t isa.

“It’s better this way. My dad and I are not hurting each other anymore by not just talking.

“Maybe it’s for the best."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN