Korina Sanchez regrets that her parents never got to meet Pepe and Pilar

IMAGE Ocs Alvarez

Korina Sanchez on her late parents: "I think they’re very, very happy. Sana nga maging guardian angel sila."


Malungkot ang 2004 ni Korina Sanchez dahil magkasunod na namatay noon ang kanyang mga magulang na sina Ramon at Celia Sanchez.

Hindi na naabutan ng ama at ina ni Korina ang pagpapakasal nila ni Mar noong October 27, 2009 at, ten years later, ang kanilang pagkakaroon ng mga anak.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Korina ngayong Lunes, May 6, sinabi ng multi-awarded broadcast journalist na kung nabubuhay ang kanyang mga magulang, tiyak na masaya sila sa pagdating nina Pepe at Pilar.

Lahad niya, "Noong namatay ang mga magulang ko, 2004, nakita nila na naging successful na ako sa TV.

"Kumbaga, parang they died proud parents. I became who I became on TV.

"Their only regret for me at that time is I still didn’t have children.

"And I was already 40 when they died so I don’t know if in their head, they probably already thought na hindi na siguro ako magkakaroon ng apo from Korina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My mom never told me what she was thinking, but talagang feeling ko, sobra silang saya."

Sabi pa ni Korina, "Hindi ko pa nga sila [Pepe at Pilar] nadadala sa puntod, saka na kapag nabakunahan na.

"Gusto ko talagang i-present sila doon at ibababad ko sila sa aming bahay sa Merville, sa mga kuwarto ng mga magulang ko para mahaplusan ng konting sanib ng whoever they were.

"I think they’re very, very happy. Sana nga maging guardian angel sila.

"Doon na lang [heaven] kami magkikita-kita, e. Doon na lang.

"I can imagine them so, so happy. Pero siyempre, sobrang nakaka-miss."

HOW TO RAISE YOUR KIDS

Feisty broadcast journalist ang public perception kay Korina, pero sa mga tunay na nakakakilala sa kanya, malambot ang puso niya, matulungin, at people person siya.

Anong bahagi ng kanyang kabataan ang gusto niyang maranasan din nina Pepe at Pilar?

Sagot ng Kapamilya broadcaster, "I really want my kids not to grow up entitled.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun na nga ang tanong ko, how do you inflict hardship on your own kids?

"Because not everything was easy in my childhood.

"I know my parents gave me the best that they could but meron din mga bagay na…

"And yet, when I look back, nakadagdag yun sa akin."

Patuloy ni Korina, "So, paano mo matitimpla na yung mga anak mo is parang deficient enough so that they grow on their own?

"Di ba, yung tipo na parang nagpapayabong ka ng halaman, masakit, kailangan mong gupitin ito, gupitin ‘yan, para lalong yumabong.

"Paano mo gagawin yun? Anong pagtitimpla ang gagawin mo?

"Kapag ‘yan nadapa, huwag mong pulutin, pabayaan mo na tumayong mag-isa.

"Maliban doon, ano pa?

"Alangan naman sampal-sampalin mo nang ganyan, di ba? Hindi naman puwede yun."

"What I’m saying is," saad ni Korina, "it can’t always be easy for kids so that they learn how to innovate and to be creative and to imagine and to want more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think that’s the trickiest part of all, that’s why I don’t want to be a crutch to my kids.

"I want them to stand on their own.

"How will I do that? I’ll take it a day at a time."

Ganoon din ba siya noong maliit na bata pa siya?

"I think so," sagot ni Korina.

"Kasi ako naman, working class ang parents ko.

"Of course, they were the bosses of their own company.

"Matatalino ang mga magulang ko, pero parating wala sa bahay, so hindi ako yung tipo ng bata na maya’t maya, nandiyan ang nanay para gawin ang homework ko.

“Wala akong ganoon, wala akong ganoon, kaya talagang very people person ako.

"Kasi, wala akong kapatid na babae.

"Ang nangyari sa akin, kaibigan, kaibigan, kaibigan. Parati akong nasa mga bahay-bahay ng mga kaibigan ko.

"So, marunong akong makisama. Marunong akong makibagay.

"Hindi ako mapili sa pagkain. Kung anong ihain diyan, gutom ka, kakainin mo, magpapasalamat ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga ganoong klase ng experience, it really adds to who you become."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN