Sharon Cuneta no more feelings for ex-husband Gabby Concepcion

IMAGE @reallysharoncuneta / @concepciongabby Instagram

Sharon Cuneta posts this cryptic hashtag for ex-husband Gabby Concepcion: "#butsanafriendsehwalaeh"


Nilinaw ni Sharon Cuneta, 53, na wala siya ni katiting na "pag-ibig o malisya" sa ex-husband niyang si Gabby Concepcion, 54.

Ito ay matapos siyang tuksuhin ng Sharon-Gabby (ShaGab) fans kay Gabby nang mabanggit ng Megastar ang pangalan ng dating mister sa isang radio show.

Sa kanyang DZBB interview, nagkuwento si Sharon tungkol sa pag-graduate ng kapatid niyang si Chet Cuneta sa pagkapiloto.

Pahapyaw na nasabi ni Sharon na kasama niya si Gabby na dumalo sa graduation day ng kapatid dahil sila pa raw noon.

Isang ShaGab fan ang nag-repost ng video clip ng panayam kay Sharon kunsaan sinasabing "bukambibig" daw ng singer-actress si Gabby.

Nanunuksong komento ng ShaGab fan patungkol kay Sharon:

"P.S. Yung totoo mama babes? kahit minsan ba nawala si papey sa isip mo?

"Pati ba naman kasi sa DZMM TELERADYO nababanggit parin ang pangalang GABBY!! [smiley] Akala ko ba sabi mo 'I HATE YOU' You lied to me! 'YOU MADE ME BELIEVE" ?? [smile emojis]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Papi, namimiss kana talaga ni mama babes. Kaya magbati na kayo at gumawa na kayo ng movie para everybody happy! Wooot wooot! partey! partey!"

Kagabi, May 7, ni-repost ni Sharon ang video ng kanyang DZBB interview at pati na rin ang komento ng ShaGab fan.

Dito sinabi ni Sharon na hanggang pagiging magkaibigan lang ang puwedeng mangyari sa kanila ng ama ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

"Sorry mga anak kong S-G. Wala na talaga eh. Wala na talagang pag-ibig o malisya.

"Kunin man ako ni Lord ngayon.

"Friendship pa alang-alang LANG kay KC."

Sabay humirit si Sharon na kahit gustuhin niyang makipagkaibigan kay Gabby ay hindi pa rin posible sa ngayon.

"Pero okay din naman kundi na rin ibibigay ni Lord.

"Mas quiet at peaceful! Lab yu kids."

Kalakip nito ang malamang hashtags ni Sharon na "#sorrynotsorry #butsanafriendsehwalaeh ! #LOL"

FOILED FRIENDSHIP, REUNION MOVIE

Noong February 2018, nanumbalik ang magandang samahan sa pagitan nina Sharon at Gabby dala ng pagbabalik-tambalan nila sa television commercial ng isang sikat na fast-food chain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mismong anak nilang si KC ay ikinatuwa ang pagkakaayos nina Sharon at Gabby matapos ang matagal na panahong hindi sila nagkita at nagkausap.

Dahil dito ay nagbukas ang posibilidad na magbalik-tambalan ang ex-couple sa pelikula.

Ngunit muling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Sharon at Gabby pagkatapos umere ng TV interview ng Megastar sa ABS-CBN lifestyle magazine show na Rated K noong March 4.

Pagkatapos ay nag-unfollow pa sila sa isa't isa sa Instagram.

Mula noon ay hindi na ulit nagkausap ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta prefers not to be on good terms with Gabby Concepcion
Sharon Cuneta prefers not to be on good terms with Gabby Concepcion
Sharon Cuneta on Gabby Concepcion:
Sharon Cuneta on Gabby Concepcion: "Sana okey kami."
Sharon offended by
Sharon offended by "power-tripping" of Gabby's camp
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN