Bianca Gonzalez says there is closure in her breakup with Lino Cayetano


"Forever na 'yang nandiyan. I'm sure naman meron din kayong love in your life na kahit hindi kayo magkasama, parang love na ninyo forever," answers Bianca Gonzalez when asked if she still has feelings for ex-boyfriend Lino Cayetano.



Masayang-masaya ang buong production ng bagong showbiz-variety show ng ABS-CBN na Entertainment Live! dahil sa magandang rating na nakuha ng kanilang pilot telecast noong Sabado, August 4. Naungusan nila ang katapat na showbiz-oriented talk show na Startalk sa GMA7. Nakakuha ang Entertainment Live! ng 15.5 rating versus 13.7 ng Startalk.

Nagbunga rin ang pagiging "tsismosa" ng mga bagong talk -show hosts na sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Bianca Gonzalez. Ngunit ang pinakamailap sa tatlo pagdating sa pagbubukas ng kanyang personal life sa publiko ay si Bianca.



"I never naman deprived [the public]," depensa ni Bianca sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sabi ko nga, like ‘yung si Mariel, sinabi niya na parang sumasagot naman siya. Siguro ayaw lang ng ibang tao ang sagot niya. Ako naman, baka naiiklian lang ang mga tao sa sagot ko, the way I answer it. Kasi I'm a private person talaga."



Kung may pagkakataon daw na hindi siya nai-interview ng ibang TV crew sa ilang showbiz functions, posible raw na hindi lang nakita ni Bianca ‘yung taong gusto siyang ma-interview.



"May isyu pa ba sa akin? Wala na nga, e...." sabi ni Bianca. "Talagang pag sinasabi sa akin ng mga tao na ganyan, may mga hindi pa na-clear, sinasabi ko sa kanila ‘Talaga?' Kapag tinatanong naman ako, I answer. So, ano ba ang hindi clear? Hindi ko alam."



LINO CAYETANO. Once and for all, may closure ba sila ng ex-boyfriend niya na si Direk Lino Cayetano?



"May closure talaga," giit niya. "We are in touch. Pero hindi kami textmate na ‘hi, hello' every day, not at all. Pag meron lang to text something at all. Like the other day, nagkita kami sa Cinemalaya, nagkita lang talaga kami. He was with some people from MMK [Maalaala Mo Kaya].

"Ako naman, may kasama ako na mga writers from Pinoy Big Brother. Ang text niya sa akin after that, nagre-recommend ng ibang pelikula na makita ko dapat, ganun. Mga ganun lang. Pero like tumi-textmate as in friends na friends na i-update about everyday, hindi talaga. Weird naman ‘yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mahal pa rin ba niya si Lino?



"Forever na 'yang nandiyan," pag-amin niya. "I'm sure naman meron din kayong love in your life na kahit hindi kayo magkasama, parang love na ninyo forever.



"Happy thoughts ko pa rin 'yun. Parang minsan sa times na parang may naalala ako na happy moments, happy ka rin."



May panghihinayang ba siya na nawala sa kanya si Direk Lino?



"Of course, may panghihinayang," pag-amin niya. "Pero parang sobrang accepted ko na. Hindi ko kasi... it took some time, my God! May time sa Blog na nagti-tape ako, na kapag walang take, nakatulala lang ako. It took some time for my friends to lift me up."



KC CONCEPCION. Since hindi naman malinaw kung ano talaga ang tunay na relasyon ni Direk Lino sa natsitsismis na girlfriend niya na si KC Concepcion, posible ba na magkabalikan silang dalawa?



"Naku, I don't know din the answer to that," sabi ni Bianca. "Kasi half lang ako nung story na 'yon; siya ‘yung other half. Parang on my part, wala akong special someone in my life, ganyan. And I'm not looking. Pero ‘yung sa kanya, hindi ko alam.



"Kung bumalik? Kasi parang ang weird for me to answer that. Eto ha, ang nakarating sa akin fresh na fresh, parang ano, there are some people saying na he [Lino] stopped talking about me and KC. Ganyan-ganyan.

"Ako naman," patuloy niya, "ang inisip ko, I don't talk naman if I'm not asked. Parang kapag natanong ako, saka lang ako sasagot. Like 'yung mga guestings, ‘O, kumusta na kayo?' ‘Yun, mapapasagot ako. Pero parang it's hard to answer that question.

"Parang whatever they have now, that's the present. ‘Yung sa amin, past. I will freely talk about what we have in the past kasi konek ako doon, e. Pero'yung ngayon, I have no business. Feeling ko, it's not proper for me to say anything kasi ayaw kong umepal sa kanilang dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nararamdaman niya kapag nakakarinig siya ng comment that she should not say anything about KC and Lino?

"I get hurt but I'm okay with it, kasi nga, I only answer when I'm asked. Kasi parang, apparently, may interesado sa feelings ko, sasagutin ko. But normally, hindi ko naman isi-share," paliwanag ni Bianca.

"KISSCANDAL"? Naniniwala ba siya na may litrato raw na nakunan na diumano'y naghahalikan sina KC at Lino?

"Ay, first time for me to hear!" bulalas niya. "I know that na parang nakarating sa akin ‘yung photos in Hong Kong. And if there's a photo na naghahalikan, that's normal between two people who like each other, di ba?"



Biniro namin si Bianca kung meron din ba silang picture ni Direk Lino na naghahalikan?



Natawa agad si Bianca. "Wala naman kaming pictures na naghahalikan. Ay, hindi! Meron pala," sabay bawi niya at natawa ulit.



What if i-assign sa kanya ng Entertainment Live! na interbyuhin si KC, what would she feel?



"I really don't know KC personally," sabi niya. "But from what I know, she's a very private person. Unlike me, na kahit private ako, kahit paano meron akong obligation to ask kasi trabaho ko ‘to. E, siya? Behind the scene siya. Hindi naman siya artista. She doesn't feel the need to say anything.



"Pero naiisip ko nga rin ‘yon, kung posibleng mangyari ‘yon. Pero I have a feeling na, kunyari sinabi ng staff na, ‘Sige, Bianca that will be best for the show.' Pag-iisipan ko talaga. Pero I don't think they'll do that to me," tawa ulit ni Bianca.



She will do her own research daw kapag pina-interview sa kanya si KC at kailangan niyang paghandaan.



"I can meet her. It's totally fine. Pero ‘yung interview, kailangang paghahandaan ‘yon kasi parang hindi ko naman makakaila na hindi magiging emosyonal ‘yung situwasyon for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May mararamdaman kaya siyang kirot sa puso kapag nagkaharap sila ni KC?



"Ay, sinagot ko na sa Boy & Kris ‘yan. Siguro kahit papaano. Pero hindi na major, ‘yung slight na lang. Kasi kailangan ko rin isipin on myself na slight na lang, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN