Edu Manzano still a candidate for San Juan congressman: "I am not disqualified."

IMAGE Noel Orsal

Edu Manzano: "My name is still in the ballot and I can be voted on and my votes in my favor will be counted. I am not disqualified."


"Kandidato pa rin ako."

Ito ang deklarasyon ni Edu Manzano sa presscon na ginanap nitong tanghali, May 8, sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan City.

Nanindigan si Edu at ang kanyang legal counsel, si former Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes, na kandidato pa rin siya bilang house representative ng lone district ng San Juan City.

Ito ay sa kabila ng kanselasyon ng Comelec second division sa certificate of candidacy ng aktor.

Diin pa ni Edu, "My name is still in the ballot and I can be voted on and my votes in my favor will be counted. I am not disqualified."

Déjà vu ang pakiramdam ni Edu habang ipinapaliwanag ang kontrobersiyang kinasasangkutan sa kasalukuyan.

Ganito rin ang isyung ginamit na paninira laban sa kanya nang kumandidato siya bilang vice mayor ng Makati City sa halalan noong May 1998.

"As a matter of fact, to elaborate a little further, in 1998, yun din po ang ginawa sa akin, on the same date, by the way, 21 years later.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The second division of Comelec declared me not qualified. They declared to cancel my certificate of candidacy.

"We filed our motion for reconsideration.

"Comelec en banc reversed the decision of the second division.

"Ang aking katunggali, iniakyat naman po niya ngayon sa Korte Suprema," pagbabalik-tanaw ni Edu sa akusasyon noong hindi siya puwedeng kumandidato dahil American citizen siya.

ADVERSE EFFECT

Inilabas ng Comelec second division ang desisyon na disqualified si Edu sa congressional race sa San Juan City, eksaktong isang linggo bago maganap ang mid-term polls sa May 13, 2019.

Pero imbes na makaapekto, nakatulong pa raw sa kandidatura ni Edu ang kontrobersiya, isang bagay na hindi inaasahan ng kanyang kalaban sa pulitika.

Saad ni Edu, "I’m sorry, to be very honest, yung followers ko sa Facebook, umakyat by a couple of thousands. Instagram, Twitter…

"Kapag nakita niyo po ang mga rallies ngayon, lalong nadadagdagan ng mga tao, kasi lahat sila, gustong malaman kung talagang ako’y hindi na makakatakbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even yung mga small barangay na hindi namin inaasahang mapupuno ang aming caucuses, ngayon sobra-sobra’t umaapaw ng tao.

"Dahil they’re hoping na magkakaroon din sila ng chance na malaman agad-agad kung tayo’y, e, talagang makakatakbo.

"In a way, it cuts both ways.

"Ang laki ng naging positibo para sa aming partido, hindi lang sa akin, because yung caucuses, Team One San Juan, that is together like a family.

"So, lahat kami, nadala nung nasabing controversy."

Nadagdagan ba ang mga nakikisimpatiya sa kanya?

Sagot ni Edu, "Yung edad kong ito, may nagsi-sympathize pa ba sa akin?

"No, I just felt bullied.

"You know, I would never think that I would be bullied at the age of 63."

Pagdidiin pa niya, "Kandidato pa rin ako.

"My name is still in the ballot and I can be voted on and my votes in my favor will be counted.

"I am not disqualified.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumikat nang husto ang President Lucas Cabrera character ni Edu sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Ano kaya ang possible reaction ni Cabrera kung ito ang naging biktima ng mga kalaban sa pulitika?

"Lucas Cabrera? Naku, may isa, pangalawa, pangatlong yugto ‘yan.

"Walang tigil, walang humpay ‘yan," nakangiting sagot ni Edu tungkol magiging reaksiyon ng ruthless character niya sa top-rating primetime show ni Coco Martin.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN