Valerie Concepcion is happy working at ABS-CBN


Former Kapuso star Velarie Concepcion attended the birthday party of her executive producer in GMA-7. Her former staff wished her well in her new station.



Valerie Concepcion's first show sa GMA-7 was Click. Ang production manager pa noon ay si Ms. Gigi Santiago, ang executive producer (EP) ay si Rams David, at ang associate producer (AP) ay si Camille Gomba.

The last regular show of Valerie with the Kapuso Network was the first Sine Novela, Sinasamba Kita. At this point, nasa QTV na si Ms. Santiago, production manager (PM) na si Rams, at EP na si Camille.

Nagbigay ng surprise birthday party ang current associate producer ni Camille na si Kaye Cadsawan at nagsidatingan ang production staff ni Camille—from her PM Cheryl Ching-Sy to the director of Sinasamba Kita Joel Lamangan, and the cast headed by Sheryl Cruz, Bing Loyzaga, at si Valerie.

Kahit nasa ABS-CBN na si Valerie as co-host ni Willie Revillame sa Wowowee, dumalo pa rin si Valerie, kasama ng kanyang ina, sa party na ginawa sa Music 21 sa Timog rainy Monday night, August 6.

Very welcome pa rin si Valerie sa production staff ng kanyang last regular GMA-7 show and everyone wished her well in her new station. Si Valerie pa nga ang unang kumanta ng theme song ng Sinasamba Kita.

Sabi ni Valerie sa PEP (Philippine Entertainment Portal), masaya naman siya sa ABS-CBN dahil mababait naman ang production staff ng Wowowee sa kanya. Pero kahit paano, nami-miss niya raw ang pamilya niya sa GMA-7 dahil sa grupo nga ni Camille nagsimula si Valerie.

So far daw, wala pang sinasabi sa kanila ang manager niyang si Becky Aguila kung ano ang mga shows ang ibibigay kay Valerie ng ABS-CBN, other than Wowowee. Bagama't ipinahayag na ni Becky sa presscon niya noon na three months ang kontrata ng alaga niya sa show ni Willie, sila raw ay wala pang pinipirmahan to that effect.

Madamdamin ang pamamaalam ni Valerie kay Camille bago sila umalis ng kanyang ina. Isa lang ang nasabi ni Camille kay Valerie bilang payo. Galingan niya pa raw sana kahit nasa kabilang station na siya at huwag magpapatalo sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN