Julie Anne San Jose still healing from breakup with Benjamin Alves

IMAGE Julie Anne San Jose Instagram

Julie Anne San Jose: "Hindi naman siya in a snap of a finger, okay na lahat. It takes time to figure things out on your own. It takes time to heal, to think."


Nilinaw ni Julie Anne San Jose na walang kinalaman ang title ng bago niyang single na “Regret” sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Benjamin Alves.

“No, no,” tanggi ng Kapuso singer-actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday surprise sa kanya ng Universal Records sa Silver Moon Studio, Immaculate Conception, Quezon City, noong May 6.

Ayon kay Julie Anne, isinulat niya ang kantang "Regret" dalawang taon na ang nakararaan.

“I wrote that song two years ago, for the record.

“Then, I finished it last year.

“I wrote it based on imagination, it wasn’t for someone.

“It’s probably about someone, but no one in particular,” saad niya.

Pero may nararamdaman ba siyang “regret” sa nangyari sa relasyon nila ni Benjamin?

“No, wala po, and things happen for a reason,” sagot ni Julie Anne.

“Wala, wala naman pong regret.

“Pero may mga times naman po talaga sa buhay natin na dumadaan tayo sa ganitong klaseng sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman siya in a snap of a finger, okay na lahat.

“It takes time to figure things out on your own. It takes time to heal, to think.

“Right now, I’m happy.”

JULIE ANNE IS STILL HEALING FROM BREAKUP

Ilang buwan na rin ang nakalilipas mula nang mag-break sina Julie Anne at Benjamin.

Nasaang stage na ba si Julie Anne ngayon?

“Healing, of course,” pag-amin niya.

“For the past years, I’m so used to parang giving out, and it doesn’t really matter to me.

“It doesn’t matter how much you give para sa isang tao or sa mga tao.

“Ako kasi, ganoon kasi talaga ako.

“But you realize, kailangan mong magtira para sa sarili mo at the end of the day.

“Para rin sa ‘yo yun, di ba? Para rin sa health mo—mental health, physical health, emotional health.

“It’s really important to take care of yourself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto ba ni Julie Anne kung ano ang nakikita niya sa sarili ngayon?

“Yeah, of course,” sambit niya.

“When it comes to situation like that, you just got to make a decision.

“Happiness is a choice. Happiness is always a choice.”

IS JULIE ANNE SAN JOSE READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP?

Kung usapin ng pagkakaroon ng bagong karelasyon, hindi pa raw siya handa para rito.

“If I’m looking for someone new? I don’t think I can do that now!” natawang sabi ni Julie Anne.

“Gusto ko lang na mag-focus sa sarili ko muna.

“Mag-focus for myself, for my family, sa work, which I’m very grateful for.

“I wanna keep myself productive this year. Yun po muna ang goal ko.

“And I’m working on my upcoming album. May mga shows din po ako here and abroad.”

May mga nagkakagusto sa team-up nila ni Rayver Cruz dahil sa mga production number nila sa Studio 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng girlfriend ni Rayver sa totoong buhay—ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Magkasama rin sina Julie Anne at Rayver ngayon sa New York para sa Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn na magaganap sa May 11.

Sabi ni Julie Anne tungkol sa tandem nila ni Rayver, “Salamat po, salamat po, at sana huwag pong magalit ang mga fans nina Janine at Rayver.

“But, yeah, they’re both my friends, and Rayver is like a big brother to me.

“Wala naman pong dapat ikabahala dun.

“Janine is a good friend of mine, everything is good.

“Wala naman pong dapat na gawan ng isyu dun,” paniniguro ni Julie Anne.

WHAT ABOUT ALDEN RICHARDS?

Kasama nina Julie Anne at Rayver sa New York ang iba pang Kapuso stars tulad nina Christian Bautista, Betong Sumaya, Golden Cañedo, Kyline Alcantara, at Alden Richards.

Minsan na ring naugnay ang dalaga sa tinaguriang Pambansang Bae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible kayang mag-duet sila ni Alden sa show?

Sagot ni Julie Anne, “Abangan niyo na lang po sa Brooklyn, may prod naman po kaming magkakasama.”

Open ba siyang makasama o makatambal si Alden sa isang teleserye?

“I’m not closing my door naman po sa pakikipagtrabaho kahit na kanino dito sa GMA,” saad niya.

Kahit sa ex-boyfriend niyang si Benjamin?

“I don’t think I can do that now!” natawang sabi ni Julie Anne.

Nagkita ba sila ulit?

“Well, we haven’t crossed paths lately.

“But, yeah, nagkita po kami sa workshop.

“But I was there for work so everything’s okay.”

Natawa naman si Julie Anne nang tanungin ng PEP.ph kung posible pa rin silang maging magkaibigan ni Benjamin.

“I can’t give you an answer, I can’t tell, I can’t tell.”

At saka niya sinabing, “I’m okay. I won’t be smiling this way if I’m not okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN