Arjo Atayde caught on video being affectionate with Maine Mendoza

IMAGE @theoscarbrad / eemmaunahan via @everythingarmaine Instagram

Sweetness overload! Looks like Arjo Atayde can't keep his hands off his ladylove Maine Mendoza during her belated birthday bash with fans last Saturday, May 4.


Halatang hindi maitago ni Arjo Atayde ang pagmamahal para kay Maine Mendoza base sa kilos ng Kapamilya actor kapag magkasama sila ng Kapuso TV host-actress.

Ito ay dahil nakunan ng fans si Arjo na pasimpleng ginawaran ng halik sa balikat si Maine habang magkatabi silang nakaupo sa isang round table. 

May isa pang bersiyon ng video kung saan masiglang nagkukuwentuhan ang dalawa at pagkatapos ay dalawang beses humalik si Arjo sa balikat ni Maine. 

Nangyari ito sa belated birthday bash na inorganisa ng fans para kay Maine noong Sabado, May 4. 

Dito rin nasaksihan ang pagiging masuyo ni Arjo kay Maine sa kung paano nito alalayan ang dalaga habang sila ay nakikisalamuha sa fans.  

May isang punto kung saan habang may kausap si Maine, namataan si Arjo na humawak sa balikat ng Eat Bulaga! host sabay humalik sa buhok nito.  

Bagamat wala pang direktang pag-amin sina Maine at Arjo kung opisyal na ba silang magkarelasyon, lumalabas na next level na ang sweetness nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong January 22, 2019 unang inamin ni Arjo na "exclusively dating" na sila ni Maine. 

Kinumpirma ito ni Maine noong March 2, bisperas ng kanyang 24th birthday. 

Mula noon ay mas naging bukas sina Maine at Arjo tungkol sa kanilang espesyal na pagtitinginan, kaya may mga nagsasabing hindi na lang sila basta exclusively dating kundi magkarelasyon nang talaga. 


Stories We Are Tracking

Watch: Maine Mendoza-Arjo Atayde with fans
Watch: Maine Mendoza-Arjo Atayde with fans
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted on a date at Star City
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted on a date at Star City
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards
Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN