Coco Martin mobbed by residents of Camotes Island

IMAGE Courtesy: Biboy Arboleda / Leo Udtohan on Facebook

Coco Martin is now actively touring the Visayas and is campaigning for the Ang Probinsyano Party List as the campaign period draws to an end May 11.


Pinagkaguluhan ang ABS-CBN Primetime Teleserye King na si Coco Martin ng mga taga-Camotes Island, sa Cebu City, ngayong araw, May 9.

Dumayo ang Ang Probinsyano actor sa maliit ngunit maganda at progresibong isla ng Camotes upang ikampanya ang Ang Probinsyano Party List, na kapangalan ng sikat niyang teleserye sa Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumakay ng chopper ang aktor dahil may isang oras ang biyahe kung fast ferry ang sasakyan papunta sa Camotes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinalubong si Coco ng mga taga-Camotes na may ngiti sa mukha sa rally na ginanap sa San Francisco town.

Ilan pa sa showbiz personalities na nakapunta na ng Camotes Island ay si Aga Muhlach (noong taong 2012 para sa defunct show nito sa TV5 na Pinoy Explorer) at sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (noong 2017 para sa pelikulang Can't Help Falling in Love.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN