Alyana Asistio finally introduces non-showbiz boyfriend to public

IMAGE Arniel C. Serato

Alyana Asistio and John Acosta will be celebrating their third anniversary in June.


Sa wakas ay ipinakilala na ni Alyana Asistio, 25, ang kanyang non-showbiz boyfriend sa publiko.

Pero noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon ay naging mailap si Alyana na ipakita sa publiko ang nobyo, maski man lang ang larawan nito.

Naikuwento noon ni Alyana sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkakilala sila ng nobyo sa pamamagitan ng Instagram, kung saan ni-like niya nang ni-like ang posts nito kaya siya napansin.

Kalaunan, napag-alaman nilang magkababata pala sila, at noong college days lang nila naalala ang lahat.

Mula noon ay nagkagaanan na sila ng loob.

Sa Hunyo ay magtatatlong taon na ang relasyon ng Kapuso actress kay John Acosta, 26, anak ng isang restaurant owner sa Quezon City.

Nagpu-post na rin si Alyana sa kanyang Instagram account ng mga hindi malilimutang kaganapan sa kanilang relasyon.

ALYANA AND JOHN

Kagabi, May 9, eksklusibong nakausap ng PEP.ph sina Alyana at John sa selebrasyon ng ika-40 kaarawan ng actress-entrepreneur na si Ara Mina sa Venue 142, Katipunan Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nanibago noon si John dahil artista si Alyana?

Lahad ni Alyana, “Nung una, hirap na hirap siya, kasi nga may pairing-pairing.

“Pero yun nga, na-realize naman niya na iba yung trabaho, iba yung sa totoong buhay.

"So, alam niyang work is work, work lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagseselos ba si John kapag may ka-love team ang nobya?

Sagot nito, “Sabi ko nga sa kanya na, okay lang naman as long as, sana, as much as possible, walang mga kissing scene.”

Sinang-ayunan naman ito ni Alyana.

NOT IN A HURRY TO GET MARRIED

Nasa tamang edad na kung tutuusin sina Alyana at John.

May negosyo na rin silang sinimulan, ang Meats & Company, kaya maaari na talaga silang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw nagmamadali sina Alyana at John. 

Pahayag ng Inagaw na Bituin actress, “Hindi naman kami nagmamadali kasi darating naman tayo dun.

“Pero ngayon, ini-enjoy namin yung ganito.”

Ramdam naman daw ni John na sila na ni Alyana hanggang sa huli.

Reaksiyon ng dalaga tungkol dito, “Ako, oo naman.

"'Tsaka ano, pray lang kami nang pray together na, yun nga, tumagal and i-guide kami ni Lord sa tamang landas.”

Ayon naman kay John, inaalagaan talaga nila ang kanilang relasyon.

“Medyo yung isa’t isa, kilalang-kilala na namin, na pag nag-aaway kami, alam namin paano iri-resolve yung problem.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN