Anton Diva on Vice Ganda, Ion Perez: "E, alam na naman nating lahat na sila, di ba?"

IMAGE Rommel Gonzales

Anton Diva on Vice Ganda's love life: "Sana naman seryoso na ito talaga. Kasi deserve niya nang magkaroon ng somebody na puwede niyang, alam mo yun?"


Maingat sa kanyang pahayag si Anton Diva nang tanungin tungkol sa rumored boyfriend ni Vice Ganda na si Ion "Kuya Escort" Perez.

Matalik na magkaibigan sina Anton at Vice.

Nakilala na ba niya si Ion?

“Na-meet ko si Ion nung Valentine concert, he was there backstage,” sabi ni Anton.

Ang tintukoy niyang "Valentine concert" ay ang The Songbird and the Songhorse nina Vice at Regine Velasquez noong February.

Sinabi ba ni Vice na boyfriend nito si Ion?

“Hindi ko talaga alam na there’s something special, na yung sila na that time.”

Ngayon ba ay official na ang relasyon ng dalawa?

“Ayokong magsalita!”

Wala raw sinasabi sa kanya si Vice kung karelasyon na nga ito si Ion o hindi.

“Basta masaya siya, masaya siya.

“Kahit yung mga close friends namin, yung mga palaging nakakasama niya, masaya si Vice.

“Masaya siya sa kung anong merong love life ba siya ngayon.”

 Sa tingin ba niya ay seryoso na sina Vice at Ion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana naman seryoso na ito talaga. Kasi deserve niya nang magkaroon ng somebody na puwede niyang, alam mo yun?

“Yung ipagmalaki, ipakilala sa lahat, na wala siyang itinatago.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anton sa mediacon ng concert niyang Anton Diva: SHINE XXII AD sa Salu restaurant sa UAP (United Architects of the Philippines), Sct. Rallos St. Brgy. Laging Handa, Quezon City, kahapon, May 10.

Gaganapin naman ang concert sa June 15 sa Cuneta Astrodome.

Guests ni Anton sa concert niya si Vice at ang Asia’s Songbird na si Regine.

Bilang close sila ni Vice, alam ba ni Anton kung may relasyon na talaga sina Vice at Ion?

“Hindi ko talaga alam! May nagsabi lang sa akin, may nagsabi lang sa akin.

“E, alam na naman nating lahat na sila, di ba?

“Kung anong meron sila, let’s just be happy for them.”

CELEBRITY CRUSH

Sino namang male celebrity ang crush o pinapantasya ni Anton?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, super-crush ko si Gerald Anderson!” kinikilig na pag-amin niya.

Magkakilala ba sila nang personal?

“Magkaano lang, ka-hi lang, kaganun.”

Hindi raw alam ni Gerald na crush ito ni Anton.

“Sana makarating, iparating niyo naman!” tawa niya.

Paano kung maging surprise guest si Gerald sa concert niya?

Sabi ni Anton, “Sana Gerald, makanood ka!

“Kasi ano, e, di ba si Gerald tsaka si Bea [Alonzo], ‘tapos si Bea kasi, may make-up artist siya na super-close friend ko rin, si Varda.

"So, ayun, dugtung-dugtong rin naman yun, so sana makarating.”

Ano ang nagustuhan niya kay Gerald?

“Unang-una, maganda ang katawan, magandang mukha, ang ganda ng ugali.

“Hindi pa kami close, sabi maganda raw ang ugali.

“And siyempre, sa tingin ko, marunong naman akong tumantiya, feeling ko he has a very, very good heart.

“And, di ba, half-American, half-Filipino siya?”

Usap-usapan, base sa mga nakarating kay Anton, ay “well-endowed” si Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANTON’S BOYFRIEND

Pero masaya naman ang love life ni Anton dahil may karelasyon siyang straight guy na hindi taga-showbiz.

Ilang taon na sila?

“Matagal na po.”

May plano ba silang magpakasal, since may mga lugar na legal na ang same-sex marriage?

“Hindi namin napag-uusapan,” tugon ni Anton.

Private person ang boyfriend ni Anton kaya umiwas itong magdetalye tungkol sa kanilang relasyon.

Basta hindi raw ito bisexual, may trabaho, at tanggap sila ng pamilya ng bawat isa.

“Graduate siya, ako nga hindi graduate!”

Hindi raw si Anton ang nagpaaral sa boyfriend niya; mga kapatid daw niya ang pinag-aral ni Anton.

Undergraduate ng kursong Electrical Engineering si Anton sa De La Salle University.

Hindi raw niya kinayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang stand-up comedian at singer/impersonator ni Regine.

Trivia pa pala ni Anton, noong 2004 ay isinadula sa Magpakailanman ng GMA-7 ang life story niya.

“Ang gumanap, si Cogie Domingo. Hindi ako kasi nga hindi ako umaarte po,” sabi ni Anton.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang direktor ng Anton Diva: SHINE XXII AD ay si Peter Serrano, at produced ito ng Teri Onor Entertainment Services o TOES.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN