Socialite Tessa Prieto-Valdes sings for a cause in "Celebrity Duets"


"Puwede akong manalo because I will tell all my rich friends na iboto ako every day para umabot ako sa finals. Ubusan ito ng load nila, di ba? Tsaka in case I win naman, I will donate everything to charity. That's really my goal in joining this contest," says Tessa Prieto-Valdes about joining Celebrity Duets.



Marami ang naaliw sa socialite na si Tessa Prieto-Valdes dahil game na game itong magsalita sa press launch ng Celebrity Duets ng GMA-7 kahapon, August 6, sa 17th floor ng GMA complex.



Aminado si Tessa na wala siyang magandang singing voice at sumali siya para sa charity. Kung tutuusin daw ay puwede siyang manalo dahil as the contest goes on, paramihan pa rin ng text votes ang labanan.



"Hindi nga ba? Despite of the judges in the panel and their comments, ang text votes pa rin ang importante!" malakas na tawa ng socialite.



"Kaya puwede akong manalo because I will tell all my rich friends na iboto ako every day para umabot ako sa finals. Ubusan ito ng load nila, di ba? 'Tsaka in case I win naman, I will donate everything to charity. That's really my goal in joining this contest."



Tatlong charitable institutions diumano ang tinutulungan ni Tessa at hindi siya manghihinayang na ibigay ang isang milyong piso na premyo sa mga mas nangangailangan kaysa sa kanya.



"My heart naman goes to these people," sabi niya. "Kaya tayong mga mas nakakagaan sa buhay, let's do our part in sharing and giving. I believe na mas marami kang matatanggap na kapalit in doing something good for these people. Kaya iboto nila ako para mas marami pa akong matulungan."



Kung sakali raw ma-enjoy ni Tessa ang Celebrity Duets at malaman niya na may singing voice pala siya, agad daw siyang magpo-produce ng album at magkakaroon siya ng nationwide tour.



"I will do a concert for charity kung sakaling magkaroon ng katotohanan na maging singer ako! Lahat ng puwede kong gawin for charity ay gagawin ko talaga!" malakas niyang tawa.



Makakalaban ni Tessa sa Celebrity Duets sina Tim Yap, Wyngard Tracy, Frederick Peralta, Dr. Hayden Kho, Jessica Rodriguez-Bunevacz, Dr. Manny Calayan, at Anna Theresa Licaros. Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang hosts ng show na ito mula sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN