Andrew Schimmer exposes bare essentials in "Green Paradise"


Former teen star Andrew Schimmer takes a major step in his showbiz career as he joins the sexy bandwagon. He is the leading man of Cristine Reyes in the film Green Paradise.



Nagpapaganda nang husto ng katawan ngayon ang teen star-turned-sexy actor na si Andrew Schimmer. Siya kasi ang leading man ng FHM cover girl na si Cristine Reyes sa launching movie nito na Green Paradise.

"Tsaka hindi lang dahil sa movie. Siyempre ngayon, kapag lalake ka at artista ka, at pangit ang katawan mo, parang walang kuwenta," sabi ni Andrew sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kaya nga kapag may oras din lang siya, naggugugol talaga ng panahon si Andrew sa pagdyi-gym. Although lately, sa sobrang busy ng schedule niya for his shooting at pagiging newest image model ng CD Jeans with Nadine Samonte, hindi niya ito nagagawang regular.

"Hindi, kasi hindi ka naman puwedeng mag-workout talaga pag kulang ka sa tulog, e. Sayang ‘yung pagod mo," sabi niya.

Ano ang pinaka-sexy na eksena na na-shoot na nila ni Cristine para sa Green Paradise?

"So far, ang pinaka-daring na nagawa ko na, siguro ‘yung naglabas ako ng puwet," sagot niya.

Hindi naman daw niya totally hinubad ang briefs niya during the scene, na love scene nila actually ni Cristine.

"Naka-underwear naman ako, e. Pero nakababa lahat sa likod, tapos nakatakip lang sa mismong ano ko, nakataas ‘yung underwear. Hindi tinanggal kasi nakatalikod naman po ako actually, hindi naman talaga kita. So ang kita lang, ‘yung likod ko."

Tinablan ba si Andrew sa eksenang nilang ‘yon ni Cristine?

"Wala, e," bulalas niya. "Kasi wala naman, siguro merong konti...pero sanay na ako kay Cristine, e. Ibig sabihin, para ko na lang siyang kapatid."

Kahit kaunti, hindi nag-init ang pakiramdam ni Andrew during the scene?

"Meron sigurong konti, ‘yung may pitik lang, ‘yung gano'n lang. Tapos nawala din agad, lumambot din!" halakhak niya.

May frontal nudity ba siya sa pelikula?

"Wala, wala naman sigurong frontal ‘yon."

Pero sinabi ni Andrew na nag-frontal nudity siya nang hindi sinasadya dahil sa isang pagbibiro ni Cristine sa shooting nila. Habang nakatalikod daw si Andrew ay bigla raw siyang hinubaran ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinila niya pababa ang shorts ko. Tapos ‘yung mga loko dun sa set, tinutukan ng ilaw ‘yung wetpaks ko! Bumaba siya nang todo, pero itinaas ko agad," natatawang kuwento ni Andrew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN