Gretchen Barretto gets Mother’s Day surprise from sister Claudine Barretto

IMAGE @claubarretto on Instagram

Claudine Barretto


Binigyan ng Mother's Day surprise ni Claudine Barretto ang ate nitong si Gretchen Barretto.

Ipinost ni Claudine ang video ng ginawa niyang surprise para kay Gretchen sa kanyang Instagram account noong Biyernes, May 10. 

Makikita sa umpisa ng video na may dala-dalang pink box at balloon si Claudine. Pagkatapos ay ibinulong niya sa video, "Surprising my ate. Happy Mother's Day!"

Pagkatapos nito ay sumilip si Claudine sa may kitchen kung nasaan ang ate niya.

Nang makita ni Gretchen si Claudine ay agad nitong pinalapit ang kapatid.

Agad namang tumakbo si Claudine papunta sa kapatid at saka sila nagyakap nang matagal. 

Sabi naman ni Gretchen kay Claudine pagkatapos maibigay ang mga regalo, "I don’t need gifts! I told you, I don’t need gifts!"

Ayon kay Claudine, galing sa mga anak niyang sina Sabina at Santino ang balloon.

Saad naman ni Claudine sa caption ng kanyang Instagram post: "Happy Mother’s day in advance. thank u for always cooking my favorite food & making me laugh till my tummy hurts. your a wonderful Mom,Sister,Best friend etc.i can go on & on. i luv u so much @gretchenbarretto"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RENEWED SISTERHOOD BETWEEN GRETCHEN AND CLAUDINE

Noong February 16, 2019 unang naisapubliko ang pagkakaayos ng magkapatid na Claudine at Gretchen, pagkatapos ng mahigit limang taong hindi pagkakasundo.

Ito ay matapos mamataan ang dalawa na magkasama sa isang dinner.

Noong March 6, binigyan ni Claudine ng birthday surprise si Gretchen, na nag-celebrate ng 49th birthday noong araw na iyon.

Sa Instagram live session naman ni Claudine at Gretchen noong March 21, ikinuwento ng magkapatid kung paano sila nagkaayos.

Dahil dito ay inabangan din ng kanilang followers kung magkakaayos na rin si Gretchen at ang isa pa niyang kapatid na si Marjorie Barretto.

Subalit sabi ni Gretchen sa kanyang mga naging interbyu ay hindi siya bukas sa posibilidad ng pakikipagbati kay Marjorie.


Stories We Are Tracking

Claudine Barretto surprises sister Gretchen on her 49th birthday
Claudine Barretto surprises sister Gretchen on her 49th birthday
Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie:
Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie: "Never."
Gretchen and Claudine Barretto spotted dining together
Gretchen and Claudine Barretto spotted dining together
Claudine Barretto surprises sister Gretchen on her 49th birthday
Claudine Barretto surprises sister Gretchen on her 49th birthday


ABOUT THE AUTHOR

Enjoys life by binge-watching pinoy teleseryes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN