Sharon Cuneta confesses, "I miss my childhood."

IMAGE Jerry Olea

Sharon Cuneta tearfully reminisces the joys and comforts of her growing-up years, and misses the unconditional love and affection of her parents.


Napaluha si Sharon Cuneta sa napanood na montage ng family picture sa saliw ng kanta niyang "Nais Ko," lalo na sa mga litrato kunsaan kasama niya ang mamayapang magulang at yaya.

“I miss my dad and mom especially now,” gumagaralgal na pahayag ni Sharon habang pinapahiran ang luha nitong Mayo 11, Sabado nang gabi sa programang Level Up Saturdate with Noel Ferrer sa Radyo Inquirer.

“I need them. I need them now!

“Daddy! Mommy! I really need my dad and mom now!”

Matitindi ang mga binubunong problema ni Sharon sa buhay.

“Saka dati, wala akong problema. Kasi, isang tawag ko lang sa daddy ko...

“I like being bunso...” napayuko si Sharon at napahagulgol, “I’m so tired. I miss my dad and mom.

“I miss my childhood. I miss Dasma. I miss my house. And I miss my life,” halos pabulong niyang taghoy.

MISSING HER CHILDHOOD YEARS

Mabuti na lang, andiyan pa rin ang kanyang mga kapamilya na nagmamahal sa kanya, at mapagkakatiwalaan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, my kuya, and my extended family, but it’s not the same,” pagpapatuloy ni Sharon.

“I still see my… you know, going quietly near a dragonfly that would land by the pool and holding it and then letting it go with my brother, and swimming and having my dad and mom watch us from their window.

“I miss my bedroom. I miss my life as a little princess,” mapait na pagngiti ng 53 anyos na Megastar.

“I miss being a daughter.”

Sa pagpanaw ng kanyang amang si dating Mayor Pablo Cuneta at inang si Elaine Cuneta, inako ni Sharon ang responsibilidad sa kanilang pamilya.

May reward naman sana ito, dahil she has given so much.

SMILE THOUGH YOUR HEART IS ACHING

Napatango si Sharon habang naluluha-luha pa rin, “Saka alam n’yo, na-master ko na lang yung ano…

“Siguro, sa tagal ko sa showbiz, na wala namang kinalaman iyung audience na nanonood sa iyo kung ano ang dinadala mo, kung may dinadala ka..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-master ko lang yung ngingiti ka kahit ano ang nararamdaman mo.

“Marami akong pinagdadaanan pero wala namang may alam kundi pinakamalalapit sa akin.

“Saka kapag may mga anak ka na...”

Iyon ang bigger consideration.

“I’ve sacrificed so much for KC [Concepcion] and then, ahhh... you know, I brought my children into this world na hindi naman nila hiningi.

“So, that’s our responsibility that will never disappear.

“But someday they’ll grow up and have their own families and maiiwan ka rin.

“So, the decisions I have made and will make in the near future, bahala na ang Diyos sa akin.

“Kasi, it’s time naman siguro to ... “

Think of yourself? Pagkumpleto namin.

Marahang napatango muli si Sharon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN