Mar Roxas, Revilla family nakaboto na; Jejomar Binay, di tinanggap ang balota

IMAGE Facebook / Screen grab from GMA-7


Ngayon ang 62nd birthday ni Mar Roxas na isa sa mga senatorial candidate na pinakamaagang  bumoto sa poll precinct ng Conrado Barrios Memorial Elementary School sa Baybay, Roxas City.

Nang makausap ng Cabinet Files si Roxas noong nakaraang linggo, sinabi ni Mar na babalik agad siya sa kanilang bahay sa Quezon City pagkatapos bumoto sa Roxas City para makasama ang kanyang asawang si Korina Sanchez at ang kambal na anak nilang sina Pepe at Pilar.

Dahil sa eleksyon, walang plano si Mar na magkaroon ng magarbong birthday celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakasama namang bumoto sa Bacoor City ang senatorial candidate na si Bong Revilla Jr., ang kanyang misis at re-electionist Bacoor City Mayor Lani Mercado, at ang kanilang anak na si Jolo na unopposed bilang re-electionist vice governor ng lalawigan ng Cavite.

Bumoto ang Revilla family bago pumatak ang alas-otso ng umaga.

Sa panayam kay Bong, inulit nito ang pahayag na ang kampanya ngayong 2019 ang pinakamaruming naranasan niya.

Mula nang ideklara ni Bong ang kanyang senatorial bid, naging puntirya siya ng mga matitindi at masasakit na batikos sa social media.

BINAY VS BINAY

Ang hindi pagbabasa ng Vote Counting Machine (VCM) sa kanyang balota ang reklamo ni former Vice President Jejomar Binay na maghahain ng reklamo sa Commission on Elections.

Tinututukan ang halalan sa Makati City dahil ang magkapatid na Abby at Junjun Binay ang mahigpit na magkatunggali.

Umabot na sa family feud ang mayoral bid ng magkapatid na nag-away pa sa loob ng San Ildefonso Parish Church sa election forum na nangyari noong April 27, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kandidatura ni incumbent Makati City Mayor Abby Binay ang sinuportahan ni former Vice President Jojo Binay, samantalang si Junjun ang kinampihan ng kanyang misis at former Makati City Mayor Dra. Elenita Binay.

Sa miting de avance sa Makati City noong Sabado, May 11, nagsalita si Dra. Binay ng: “Huwag naman po sanang magseselos ang iba kong anak, pero si Junjun po ang nagmana ng ugali ko. Ano yung ugali na yun? Matulungin, mabait, madaling lapitan, madaling hingan.

"Sa gabing ito, bilang ina ng nag-iisang anak kong lalaki, sana po tulungan po ninyo si Junjun.

"Dahil nakita ko po sa kanya kung paano po siya magmahal sa magulang, hindi lang po sa akin pero pati na rin ang Daddy niya.

"Mahal na mahal niya po ang Daddy niya."

Suportado rin ang mayoral bid ni Junjun ng kanyang mga kapatid na sina Senator Nancy at Anne Binay.

Nang magreklamo ngayong umaga si former Vice President Jojo Binay na hindi tinanggap ng VCM ang balota niya, pumasok sa aming isip na ang tadhana na ang kumilos at gumawa ng paraan para hindi basahin ang kanyang boto dahil may kinampihan siya sa mga anak na nag-aaway, hindi nirespeto ang simbahan at parehong naghahangad na magkaroon ng kapangyarihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN