PBB ex-housemate Zeke Dimaguila is related to Dr. Jose Rizal


Zeke Dimaguila's ancestor is the stepbrother of Dr. Jose Rizal. The former Pinoy Big Brother housemate does not mind that his great-great-great- grandfather was born out of wedlock.



Although born and raised in Australia, Zeke Dimaguila, Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 ex-housemate, is pure Filipino and very proud of it. Lumalabas pa nga ang kanyang pagka-conservative dahil wala siyang balak na tumanggap ng sexy roles o kahit pictorials. Wholesome ang gusto niyang image. Kahawig na kahawig ni Zeke sina Sam Milby at Champ Lui Pio.

Di ba kataka-takang konserbatibo siya, gayong lumaki sa Australia na kilala sa pagiging liberal?

"I'm liberal enough not to accept anything I don't like doing," matalino niyang sagot sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last week sa Dencio's.

Pinaalala namin sa kanya na minsan na rin naman siyang nagpa-sexy sa loob ng Bahay ni Kuya. Siya nga ang naging dahilan noong muntik nang ma-sanction ang PBB 2 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa isang challenge kasi na ibinigay sa mga babae, inutusan sila ni Kuya na pahiran ng lotion ang buong katawan ni Zeke noon na nagsa-sunbathing. Pumasok ang kamay ni Dionne Monsanto sa loob ng pang-ibabang suot ni Zeke, exposing some butt crack.

"Well, it's their fault [the girls], kasi ang alam ko, ang pupunasan lang sa akin ay sa exposed part of my body, not where the sun doesn't shine!" natatawang sagot niya.

If given a chance, Zeke would like to portray the life of our National Hero, Dr. Jose Rizal; after all, they are related.

The government commissioned a geneology research noon para hanapin ang mga nalalabing kamag-anak at direct descendants ni Jose Rizal. May na-trace sa side ng ina ni Zeke.

"My great-great-great-grandfather is Patricio Rizal," kuwento ni Zeke.

Patricio Rizal was the stepbrother of Jose Rizal. Dalawa lang na lalaking magkapatid sina Jose at Paciano, parehong walang naging anak. Kinilala naman ang koneksyon ng anak sa labas ng ama ni Jose Rizal, na si Patricio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Zeke does not mind na anak sa labas ng mga Rizal ang kanyang ninuno—he even used the term "bastard" which we are too shy to use.

"They can trace it anyways," sabi pa ni Zeke.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN