Mga artistang tumakbo ngayong Eleksyon 2019, naghihintay ng hatol ng bayan

IMAGE Facebook / Instagram


Natapos kaninang 6 P.M. ang pagboto para sa mid-term elections kaya hinihintay na lamang ng mga kandidato ang resulta ng kanilang pagtakbo.

"Thy will be done" ang magkaparehong pahayag nina Jeremy Marquez at Roderick Paulate, na kapwa kumakandidatong vice mayor sa mga lungsod na kanilang tinitirhan—si Jeremy sa Parañaque City at si Roderick sa Quezon City.

Kinokondena naman ni Rochelle Barrameda ang diumano’y paghahakot ng mga botante at mga insidente ng vote buying sa Parañaque City.

May mga hawak na ebidensya si Barrameda, kandidatong konsehal sa unang distrito ng Parañaque City, bilang pruweba na may basehan ang kanyang mga akusasyon.

Para naman sa re-electionist na si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas, generally peaceful and orderly ang naganap na eleksyon.

"I voted around 11:30 A.M. at Lagro Elementary School. Okey naman and very smooth ang experience ko,” ang sabi ni Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUIS VOTES FOR VILMA, NOT EDU

"Lumabas at bumoto po tayo! Mabuhay ang demokrasya ng Republika ng Pilipinas.”

Ito naman ang panawagan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto, ilang minuto matapos ng pagboto niya sa Inosloban-Marawoy Elementary School sa Lipa City.

Kasama ni Vilma sa pagboto ang kanyang asawa na si Senator Ralph Recto at ang kanilang mga anak na sina Ryan Christian at Luis Manzano.

Registered voter si Luis sa Lipa City kaya ang kanyang ina at hindi ang amang si Edu Manzano ang ibinoto niyang house representative.

Kandidato si Edu na house representative ng lone district ng San Juan City.

Hindi man siya ibinoto ni Luis, tumulong ito sa kampanya ng ama.

Kahit naninirahan na sa Laguna, registered voter si Vic Sotto sa Pasig City kaya siguradong ibinoto niya na mayor ng siyudad ang kanyang anak na si Vico Sotto.

Popular candidate si Vico sa millennial voters ng Pasig City kaya suportado ng mga kabataan ang kanyang mayoral bid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Jeremy, Roderick, Rochelle, Vilma, Edu, Alfred, Vico, Matteo Guidicelli, Angel Locsin, Luis, Anne Curtis, James Yap, Mariel Rodriguez, Robin Padilla Ara Mina, at Aiko Melendez ang ilan sa mga kandidato at celebrity na may mga larawan na lumabas sa social media habang may indelible ink ang index fingers nila na patunay ng kanilang pagboto.

Pero nasapawan sila ng senatorial candidate na si Samira Gutoc na ang hinlalaki at hindi ang hintuturo na daliri ang may marka ng tinta.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN