Ethel Ramos gets bear hug from Aga and warm birthday cheers


A very fit and leaner Aga Muhlach, Ethel Ramos's pride and joy, arrived late after finishing his That's My Doc taping . For several years now, showbiz writer Ethel Ramos has been like a mom to Aga. During the critical phases of Aga's career and personal life, Manay Ethel was always there for him.


Ilang dekada na rin siyang kinikilala bilang dean ng entertainment writing, at hindi rin matatawaran ang kakayahan at kredibilidad ng isang Ethelwolda Ramos—na mas kilala sa tawag na Manay Ethel—sa naging trabaho nito sa mahabang panahon sa mundo ng pagsusulat sa showbiz. Manay Ethel celebrated her nth birthday at one of her favorite restaurants in the metropolis, sa Florabel, The Podium.

Actually, the dinner last August 1 (Wednesday) was sponsored by the owner of Florabel, who is also the birthday lady's good friend.

"Tayu-tayo lang. Mga trenta lang ang invited guests ko. Sila Salve [Asis] and Ian [Farinas] na ang pinamahala ko sa mga ii-invite nila," explains Manay Ethel.

It was supposed to be a surprise party, but she says, "Kailan ba naman ako na-surprise? Sila ang nasu-surprise sa akin, hindi ba?"

PEP (Philippine Entertainment Portal) was among the early-birds. At sa table niya kami nakasama ng YES! and PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon. Sari-sari na ang inikutan ng aming kuwento sa pagkakataong ‘yon. Binalikan pa ni Manay ang ilang bahagi ng buhay niya.

Dahil sa tag-ulan at panahon ng baha, she remembers her past. Iyon ay noong nakatira pa siya at ng pamilya niya sa Sampaloc at bumabaha nga sa kanilang tirahan. Kaya, nagsikap siya para maka-ipon at makabili ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

"Imagine-in mo that time, mura pa ang lupa. May nakita kaming bahay sa Marikina at ‘yun na ang hinulug-hulugan ko para sa aming magkakapatid at sa parents namin," the manager of Aga Muhlach narrates.

Isine-share lang sa amin ni Manay ang value ng pagsisinop sa buhay, na no'ng nagi-start pa nga lang daw siya, napahiram siya ni Mother Lily (Monteverde) ng pera para makapagsimulang maghulog sa kanyang bahay. Siya at ilan pang mga manunulat na naging malapit din sa matriarka ng Regal Films, hanggang sa naging close siya sa mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi natatapos ang kuwento ni Manay sa pagsi-share nito tungkol sa ilang bahagi ng makulay niyang buhay, siyempre nariyan din ang pasasalamat nito sa mga kaibigang hindi nakalimot, umulan man o umaraw.

Ilan sa malalapit kay Manay na nakipag-saya sa kanya ay ang mag-asawang sina Boots Plata at Dolor Guevara, pati na rin ang mga kapwa niya managers na sina Shirley Kuan, Girlie Rodis at June Torrejon-Rufino.

Dumating din ang magkapatid na Andrea Bautista-Ynares at Rowena Bautista-Mendiola, na hinintay na lang doon ang pagdating ng kanilang kapatid na si Senator Bong Revilla, Jr.

Charlene Gonzalez-Muhlach came with Mommy Elvie at tinapos muna ni Aga Muhlach ang mga eksena niya sa taping ng That's My Doc!

Present syempre ang PR men and women ng ABS-CBN—sina Bong Osorio, Leah Salterio, Shirley Pizarro, Peachy Guiogio, Pat-P Daza, Lawrence Tan, at marami pang mga manunulat.

Naroon din ang singer-actress na si Rachel Alejandro at ang dating sexy star na si Azenith Briones. Maging si Mother Lily ay nakarating din sa party.

Natutuwa naman ang mga guests ni Manay kapag sinasabi niya nang pabiro sa mga ito na, "I want tangible gifts!"

Actually, ayaw na raw ni Manay ng malalaki at magagarbong party, kaya tama lang ang ibinigay sa kanya ng Florabel that night. Nag-enjoy ang mga guests sa inihandang special dinner: baked vegetables and mushrooms in Filo Pastry served with Mesclun Green, Tomato Anchovy with Maple Vinaigrette, Basil-scented John Dory with Risotto, and Panacotta with fresh fruits.

Manakanaka ang pag-ulan sa labas pero hindi nito malunod ang kasiyahang naganap sa Florabel. "Si Aga ang pinasagot ko sa lahat ng gastos," pahayag ng beteranang talent manager.

Sa ngayon, balik na naman sa kanyang mundo si Manay Ethel bilang isang mahusay na manager at publicist ng marami niyang accounts!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN