Toni and Alex Gonzaga's father loses mayoralty race in Taytay, Rizal

IMAGE Courtesy: @celestinegonzaga on Instagram

Bonoy Gonzaga, Toni and Alex Gonzaga's father, loses mayoralty bid in Taytay, Rizal.


Hindi nagtagumpay ang ama nina Toni at Alex Gonzaga na si Bonoy Gonzaga sa kanyang kandidatura bilang alkalde ng Taytay, Rizal.

Sa partial at unofficial results ng Commission on Elections (COMELEC), nakalalamang si incumbent Mayor Joric Gacula ng halos 13,000 votes laban kay Bonoy.

Nakakuha si Gacula ng 55,545 votes kontra sa nakuha ni Gonzaga na 38,301 votes, as of 5:53 P.M., ngayong araw ng Martes, May 14.

Ito ay base na rin sa 90.86 percent of total votes counted. 

Si Gonzaga ay incumbent vice mayor ng Taytay.

Nagpasalamat naman si Alex sa mga bumoto sa kanilang ama.

Post niya sa Twitter: "And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.

"God is GOOD all the TIME.

"Thank you to all your messages to still show your LOVE and support [heart emoji]."

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Alex na labis pa rin niyang ipinagmamalaki ang ama sa patas na labang ipinakita nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapamilya TV host-actress, “We are so proud of you.

“You fought a good fight daddy.

“Praise God for everything!!

“He will never leave you nor forsake you.”

Si Toni ay may appreciation posts din patungkol sa ama sa kanyang Instagram Stories.

Ni-repost ni Toni ang ilang mensahe mula sa mga botanteng nagpatunay na bilib daw sila sa tapat na serbisyong ipinamalas ni Bonoy sa Taytay. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa pagsasaayos ng highway, scholarships, at iba pang gawaing-bayan ay aktibo raw ang ama ng Gonzaga sisters. 

Sabi sa caption ni Toni: "Proud of you daddy!"

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN