Angel Locsin cries foul over black propaganda against Neri Colmenares

IMAGE Noel Orsal

Angel Locsin: "wala bang maibato kay @ColmenaresPH kaya kinakalat na komunista o NPA sya?"


Inalmahan ng aktres na si Angel Locsin ang black propaganda laban sa kanyang kamag-anak na si senatorial candidate Neri Colmenares.

Nag-ugat ito sa isang video na kumalat sa Twitter, kung saan makikitang ilang katao na nakasuot ng police uniform ang nagdi-distribute ng newsletters Philippine National Police (PNP), ang Pulis Serbis Balita.

Nangyari raw ito sa Brgy. 35, District 2, Maypajo, Caloocan City, noong mismong araw ng eleksyon, May 13.

Ang newsletter na ito ay naglalaman ng “false information at red-tagging” sa ilang party-list at mga kandidato ngayong eleksyon.

Kabilang si Colmenares na inaakusahang komunista at miyembro ng New People's Army (NPA).

ANGEL LOCSIN REACTS

Hindi napigilan ni Angel na mag-react dito.

Ikinagalit niya ang aniya’y paninira kay Colmenares.

Himutok ng Kapamilya actress: “bakit grabe yung effort pra makasira? wala bang maibato kay @ColmenaresPH kaya kinakalat na komunista o NPA sya?

"dahil ba gumagawa sya ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag isip sana tayo"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa ni Angel, ayaw niya ng may inaagrabyado.

NETIZENS REACT TO ANGEL LOCSIN'S TWEETS

Nag-react din ang ilang netizens sa tweet ni Angel.

Ayon sa isang netizen, kung totoong hindi NPA member si Colmenares, sa senatorial candidate daw mismo ito dapat manggaling.

Sagot ni Angel, hangad niyang mapag-usapan nang maayos ang isyung ito.

Tweet ng aktres: “Hindi ako makakapagsalita para sa kanya obviously, pero ako kasi dun ako sa peaceful way. Pagusapan ng maayos ang problema.”

Sabi pa ng The General’s Daughter actress, hindi niya matanggap ang pagkakalat ng kasinungalingan laban sa senatorial candidate na aniya'y may malinis na hangarin.

“It's the lies and black propaganda I don't understand. If you don't believe in him don't vote for him. Spreading lies and destroying the reputation of someone with pure intentions is what I don't agree with.”

ANGEL LOCSIN'S SUPPORT FOR THE PRESIDENT

Bunsod ng usaping ito, may netizen (@Bobong_Marcos) na sumita rin kay Angel dahil sa pagboto ng aktres kay Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Banat ng netizen, nananahimik daw si Angel sa isyu ng anti-drug campaign ng kasalukuyang administrasyon, kung saan may mga inosenteng buhay ang nasawi dahil napagbintangan lamang.

Pero ngayong kamag-anak daw niya ang nasasangkot ay umaalma ang aktres.

Buwelta ni Angel: “Hindi bagay sayo maging troll. Bat hindi mo ifocus ang energy mo sa mas may mahahantungan than bashing?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, mag apply ka kayang writer ng serye? Aral ka ng script writing.

"Tutal magaling ka sa twist sa story, malawak ang imagination mo at magaling kang mag imbento ng kwento.”

Nagpaliwanag naman si Angel tungkol sa suporta niya kay Duterte nang tanungin ng isa pang netizen kung pabor ba siya sa lahat ng desisyon ng Pangulo.

Aniya, “he’s our President and he needs the support of his people. But, hindi ako sangayon sa lahat. lahat naman tayo naghahangad ng mas ligtas at payapang Pilipinas :) I voted for him last election.”

Dagdag pa niya, “Sa early months, he’s open makinig at makipagusap to both sides...so parang to me, there’s hope na maayos ang kapayapaan sa Pilipinas,” saad ng aktres.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN