Rapper Makagago accuses Ex Battalion members of drug addiction

IMAGE Screen grab from YouTube

Rapper Makagago (left) on Ex Battalion: "The night that they came sa Sunugan [rap battle], they were all high, too high."


Mabilis ang reaksiyon ng rapper na si Makagago (Mark Jayson Warnakulahewa) tungkol sa desisyon ni Ai-Ai delas Alas na bitawan ang pamamahala sa career ng Ex Battalion.

Si Makagago ang numero unong kritiko ng grupo dahil bago pa man nagsalita si Ai-Ai, siya ang unang nagsiwalat sa publiko ng mga kapintasan, diumano’y kayabangan at unprofessionalism ng Ex Battalion.

Sa kanyang video rants noon, ibinulgar ni Makagago na gumagamit umano ng illegal drugs ang mga miyembro ng Ex Battalion na sina Flow-G (Archie dela Cruz) at Skusta Clee (Daryl Ruiz).

Ikinabahala ito ni Ai-Ai kaya pinayuhan nitong sumailalim sa drug test ang kanyang mga dating alaga para patunayanng hindi totoo ang akusasyon.

Pero tumanggi ang grupo.

Sa bagong uploaded video ni Makagago, muli niyang inulit ang mabibigat na paratang laban sa Ex Battalion.

Pahayag niya, "Mga ka-hombre ko, noong mga panahon na sinabi ko na addict ang Ex B, that is truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron akong mga facts, meron akong mga stuff, meron akong details and stuff.

"But I am not here to show it to you guys kasi that is too personal.

"The night that they came sa Sunugan [rap battle], they were all high, too high.

"Walang normal na tao na lilipad, knowing their status, they are something big, mainstream big group. But still, they’ve done it.

"They were literally flying over these people watching just to punch me, just to scratch me.

"At the end of the day, mga ka-hombre ko, sinabi ko yun.

"Lahat ng mga sinabi ko totoo, I’m not here to talk sh*t.

"Sa totoo lang, real talk."

MAKAGAGO: MARK MAGLASANG IS A COWARD

Inakusahan din ni Makagago ang Ex Battalion member na si Mark Maglasang na "napakagaling maghugas ng kamay."

Saad ng rapper, "Si Mark Maglasang [aka Boxs1ne] yung tipo ng tao na napakagaling maghugas ng kamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Real talk, sobrang galing maghugas ng kamay.

"For example, nagyayaya siya sa akin ng suntukan, but he never came.

"Nagyayaya siya sa akin na kesyo matapang daw siya and stuff, but he hasn’t done nothing.

"And then afterwards, siya pa ang magpapaawa sa social media accounts niya.

"Nanghihingi ng simpatiya sa mga tao when he is the coward, tulad ng sinabi ni Ai-Ai na siya ang nakipag-usap sa producer and he never came."

Diin pa ni Makagago, "Mga ka-hombre ko, facts are facts, tulad ng paglabas ko ng bayag ko online, that’s a fact.

"I will never say no to that. That’s real. Reality check."

"PINAKA-ADDICT SA GRUPO."

May mabigat ding paratang si Makagago sa Ex Battalion member na si Flow-G.

Ayon kay Makagago, "Si Flow-G, lagi kong sinasabi, wala akong sh*t kay Flow-G.

"But you know, itong si Flow-G, siya yung pinaka-addict sa grupo.

"You can see it. Huwag na tayong magbulag-bulagan dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For real, si Flow-G, yung pinaka-addict sa grupo, kitang-kita niyo yun.

"Mate, you cannot blame me for telling the truth. Kitang-kita sa hitsura niya at sa galawan niya.

"Believe it or not, malupit ang pagka-addict nitong si Flow-G."

AI-AI DELAS ALAS MADE A MISTAKE

Sa opinyon ni Makagago, nagkamali si Ai-Ai delas Alas na kunin ang Ex Battalion bilang talents.

"Unfortunately, dito rin nagkamali si Ai-Ai.

"Sa paningin niya, dahil pumatok sa mga jejemon na bata... hindi sana ginamit agad para sa money machine yung grupo.

"Sana pinag-aral muna niya kasi, literally, galing sila from the gutter, they’re literally from the gutter.

"So it’s not okay, man.

"Pero tandaan natin, hindi naman porke galing ka sa iskwateran, nagkakamali rin ako dito, but in particular, itong tao na ‘to, hindi naman lahat.

"Hindi siya karapat-dapat na pumusisyon sa posisyon niya because he doesn’t know how to handle things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When he’s mad, he’s mad! 

"For example, sabi ni Ai-Ai delas Alas, sinabi ni Makagago na magpa-drug test kayo, but you haven’t done it.

"Ayaw niyong gawin yun. Why haven’t you done it?

"Sinasabi niyo raw sa kanya, 'Huwag na nating pansinin yun. Ayaw naming magpa-drug test.'

"Mga ka-hombre ko, alam niyo na kung bakit ayaw nila magpa-drug test.

"C’mon, man. I’m not stupid. Hindi ako tanga.

"Kahit yata tatlong litro sa isang araw na gatas ang inumin niyo,it will be still positive.

"I am not joking, and that’s bad for your health."

Sabi pa ni Makagago, "Alam niyo mga ka-hombre ko, wala akong bisyo.

"You can see it sa ngipin ko, you can see it sa pagmumukha ko."

EX BATTALION IS EQUIVALENT TO SKUSTA CLEE

Ikinuwento rin ni Makagago ang payo niya noon sa Ex Battalion member na si Skusta Clee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi kay Skusta Clee ito, four years ago... sa distract ko sa kanya na sumabog.

"Sabi ko kay Skusta Clee, 'Amg pagkasikat mo ay hanggang diyan lang, hindi ka forever na sikat. Mag-aral ka, magtapos ka.

"I said it, guys, but the truth of the matter is people won’t believe me because truth hurts.

"Si Skusta Clee, masyado siya kontrobersiyal na tao because kung merong ExB, magpasalamat sila kay Skusta Clee.

"Real talk ito. Without Skusta Clee, that group is done, kasi ExB is equivalent to Skusta Clee.

"The guy is pure talent, he is the money machine of the group.

"Siya yung motibo kung bakit nagkakapera ang ExB. He is sooo damn good.

"But then, mga ka-hombre ko, inuulit ko, siya yung pangalawang mataas na addict, addictus sa grupo.

"Isa pang addict. Addict na, may tulo pa," mahabang litanya ni Makagago.

Naniniwala si Makagago na katapusan na ng career ng Ex Battalion dahil sa desisyon ni Ai-Ai na bitawan ang pamamahala sa grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng Ex Battalion kaugnay ng mga pahayag ni Makagago.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN