Joyce Bernal-Judy Ann Santos cold war starts to defrost


"Kaibigan ko ‘yon, e. In time siguro," replies director Joyce Bernal (left) when asked if full reconciliation with Judy Ann Santos (right) is possible.



Sa wakas ay nagbigay na rin ng kanyang pahayag ang director na si Bb. Joyce Bernal tungkol sa tampuhan nila ng kaibigang si Judy Ann Santos.



Kumusta na ba sila?



"We're okay, we're okay, text-text, ever since actually," maikling sabi ni Direk Joyce sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Marimar kagabi, August 8.



Ayon pa kay Direk Joyce, hindi naman daw nawala ang pagte-text nila sa isa't isa ni Juday, although hindi na rin daw talaga tulad ng dati. Masasabi niya rin na hindi na talaga bumalik ang dating closeness nila.

On the other hand, sinabi rin ng PEP kay Direk Joyce na iba ang impression sa mga naglalabasan. Ang dating, totally ay naputol na talaga ang communication nila sa isa't isa?



"Siguro, baka dahil tumagal na ng a month or two na hindi kami nagkaka-text-an kaya siguro sinabi niyang naputol na. Siyempre, parehong birthday namin ng May, so greet-greet lang," paliwanag niya.



Pero sa tingin niya ba ay maibabalik pa rin ang dati nilang friendship?



"Kaibigan ko ‘yon, e. In time siguro," sabi ni Direk Joyce.



What about now?



"Sa ngayon, siya naman ang hinihintay ko."



Diretsahang tinanong din ng PEP si Direk Joyce kung ano ba talaga ang naging ugat ng away or tampuhan nila ni Juday. Ang lumalabas kasi, nag-ugat ito sa huling movie nina Juday at Piolo Pascual na Don't Give Up On Us ng Star Cinema. Ipinakiusap daw kasi ni Juday na huwag nang isama ang ilang kissing scenes nila ni Piolo sa movie. Nasunod naman ito, pero ipinagtampo raw ng actress nang ibigay naman ni Direk Joyce ang mga na-edit na scenes sa ilang Juday-Piolo fans.



"I really did it for the fans," sabi ni Direk Joyce. "So kung na-offend siya, hindi ko alam. I just found out nang lumabas na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Does she feel sorry about it?



"No," sagot niya. "I really did it for the fans. Kapag nag-sorry ako, hindi willing ‘yung ginawa ko. I'm not sorry for what I did, but I'm sorry because it cost her [Juday] pala ng ganoon."



Ayon kay Direk Joyce, may mga common friends daw sila na gusto silang i-patch up, not because hindi nagwo-work, pero mas pakiramdam niyang hindi pa lang kasi nagku-krus ang landas nilang dalawa.



Aminado rin si Direk Joyce na pareho niyang kaibigan sina Juday at Piolo. At aminado rin siya na hindi talaga siya naging ganoon ka-close sa boyfriend ni Juday na si Ryan Agoncillo gaya ng closeness niya kay Piolo.



Puwede kayang napi-feel ni Juday na baka mas pinapaboran lang ni Direk Joyce si Piolo kaysa kay Ryan?



"Pareho ko silang friends, sina Juday at Piolo. Actually, mas mahal ko si Juday kumpara kay Piolo. Anything na sabihin ko is magiging against kay Juday, so ayoko siyempre. Kaibigan ko rin naman si Piolo.



"With Ryan, actually, of course, with all the things that happened, hindi ko sinasabi na ang linis ko. Na wala akong kasalanan. Pero gusto ko si Juday na magka-syota, ‘yun lang.



"Si Ryan naman, ayoko ng ganoon, hindi naman ako ang dapat na mamili for anyone. Aminado ako with Ryan, hindi kami na-develop as really friends or close friends. We go to the party, pero hindi rin siguro dahil malapit kami ni Piolo. Pero wala, okay naman si Ryan, nothing personal," pahayag ni Direk Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN