Star power nina Sharon Cuneta, Daniel Padilla, iba pang celebs di umubra ngayong 2019 elections

IMAGE Instagram

(Left) Megastar Sharon Cuneta with brother Chet Cuneta, who ran for mayor in Pasay City; (right) ABS-CBN actor Daniel Padilla with father Rommel Padilla, who ran for congressman in Nueva Ecija.


Ang pagkatalo sa May 13 Philippine elections ng mga showbiz personality at mga pulitikong matagal nang nanunungkulan sa pamahalaan—na kapit na kapit sa puwesto dahil ayaw mawala sa kapangyarihan pero nagpapanggap na pubic servants na ipinangampanya ng mga sikat na artista—ang patunay na hindi na nakakatulong ang star power para mailuklok sila sa kanilang mga pinapangarap na posisyon.

Nagbago na ang panahon dahil bukas na bukas na ngayon ang isip ng maraming Pilipino sa katotohanang higit na importante ang performance ng mga naglilingkod sa bayan kesa popularidad ng mga kumandidato.

Napakalaki rin ng epekto ng social media sa resulta ng katatapos na eleksyon.

Dati-rati, nagagawa pa ng mga kandidato—lalo na ang incumbent officials na may malaking budget para sa kampanya—na sikilin ang katotohanan dahil may kakayahan silang kontrolin ang mga lumalabas na balita na hindi pabor sa kanila.

Hindi na uubra ngayon ang paninikil sa katotohanan dahil sa panahon ng pamamayagpag ng social media, reporter na ang lahat—kahit ang pinaka-paslit na bata na marunong gumamit ng cell phone, magpadala ng text message at mag-post sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POPULAR CANDIDATES

Nasaksihan natin sa nakaraang kampanya at eleksyon ang pagguho ng mga pangarap ng mga popular candidate na ipinangampanya ng mga sikat na artista ang kandidatura.

Totoong dinumog ng maraming tao ang campaign rallies ng mga kandidatong sinuportahan ng mga showbiz personality na superstar ang kategorya pero hindi ito nangangahulugan ng tagumpay nila.

Pinupuntahan ng mga tao ang mga kampanya na may sikat na artista para makita nang personal ang kanilang mga iniidolo, magkaroon ng photo op, makapanood ng libreng show at makiusyoso pero ibang kandidato ang iboboto nila.

Mga kandidato na inaasahan nilang maghahatid ng pagbabago sa kanilang mga buhay, kahit naniniwala sila sa sinabi ni Mike Enriquez na pare-pareho o "same-same" lang ang mga kandidato kapag nanalo at nagkaroon ng kapangyarihan.

Walang ipinagkaiba ang mga libu-libong taong dumarayo sa mga campaign rally at ang milyun-milyong social media followers ng mga artista na nakikitsismis lang sa mga nangyayari sa buhay ng mga celebrity, pero hindi natin aasahang manood ng pelikula dahil wala sa kanilang bokabularyo ang gumasta ng pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam na alam din ng mga Pilipino na malaki ang siningil na talent fee ng ibang mga artista na pumapayag mag-endorso ng mga kandidatong hindi naman nila masyadong kilala.

STAR POWER NOT A GUARANTEE TO WIN ELECTIONS

Superstar na ang kategorya ni Daniel Padilla sa local entertainment industry, pero hindi nakatulong ang star power niya para mahalal na house representative ng first district ng Nueva Ecija ang kanyang ama na si Rommel Padilla.

View this post on Instagram

Happy Kaarawan Deej! 'WeLoveYouNaK"?????????

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

Nagsanib-puwersa ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa pangangampanya para sa mayoral bid sa Taytay, Rizal ng kanilang ama na si Bonoy Gonzaga pero nabigo ito.

View this post on Instagram

Ang bango bango ng bulaklak. #nationalsiblingday

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Hindi tinulungan si Alex ng 3.5 million YouTube subscribers niya para kumbinsihin ang kanilang mga kababayan sa Taytay na iboto ang tatay nila ni Toni.

Sa kabila ng full support ni Sharon Cuneta sa kanyang kapatid na si Chet Cuneta, na ginamit pa ang pangalan na ChetSharon Cuneta sa balota, hindi natupad ang pangarap nitong mahalal na alkalde ng Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin umepekto ang "Papa Chen charisma" ni Richard Yap dahil ibang kandidato at hindi siya ang ibinoto na congressman ng unang distrito ng Cebu City.

Matagal na napanood si Mark Lapid sa Ang Probinsyano, pero hindi sapat na dahilan ang kanyang exposure para magtagumpay ang mayoral bid niya sa Porac, Pampanga.

CELEBRITY POLITICIANS AT YOUR SERVICE

Ipinangampanya ni Vic Sotto ang mayoral bid ng anak na si Vico Sotto sa Pasig City, pero bukod sa star power niya, ang pagbabago na matagal nang pangarap ng Pasiguenos ang nagluklok sa kanyang anak sa puwesto.

View this post on Instagram

HAPPY BIRTHDAY PAPA! Thank you for believing in me and supporting me all the way!

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto) on

Si Vico ang naging simbolo ng pag-asa ng mamamayan ng Pasig City dahil sa kanyang mahusay na paglilingkod sa unang termino niya bilang konsehal na nagsimula noong 2016.

Mula sa pagiging mayor ng Lipa City, gobernador ng Batangas at house representative ng lone district ng Lipa City, tuluy-tuloy ang winning streak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto dahil sa kanyang maayos, sincere, at honest na pamamalakad na lalong nagpakinang sa star power niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa peak ang popularity ni Richard Gomez nang kumandidato ito noong 2001 bilang nominee ng partylist na Mamamayan Ayaw sa Droga pero na-disqualify siya.

Muling sinubukan ni Richard ang kapalaran niya sa public service nang kumandidato siya na senador noong 2007, house representative ng 4th District ng Leyte noong 2010 at mayor ng Ormoc noong 2013.

Naging mailap ang suwerte kay Richard dahil natalo ito sa senatorial elections samantalang ang misis niya na si Lucy Torres ang kanyang naging replacement sa congressional race nang magkaroon siya ng problema sa residency.

Natalo rin si Richard nang kumandidato siya na mayor ng Ormoc City noong 2013.

Nagbago ang kapalaran ni Richard nang muli itong tumakbo na mayor ng Ormoc City noong 2016 dahil sa wakas, natupad ang pangarap niya.

View this post on Instagram

It was a good campaign. Tiring but rewarding. #getormocmovingahead #akongkinabuhisaprobinsya

A post shared by Richard Gomez ???????? (@richardgomezinstagram) on

Maganda ang paglilingkod na ipinakita ni Richard sa mga kababayan niya sa Ormoc City dahil ito ang hinirang na richest city sa Region 8 kaya wala nang kahirap-hirap ang re-election niya noong May 13, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa madaling salita, sa panahon ngayon, tumatalab ang star power ng artista sa mga kandidato (celebrity man o hindi) na malinis ang imahe, subok na ang kakayahan sa public service at, higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ng mga tao.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN