JK Labajo criticizes Filipino mindset about celebrities

IMAGE @jkufcofficial on Instagram

JK Labajo takes to Instagram to defend himself and his opinion. "We all have our own opinions and i’m just sharing my own thoughts.” The singer got bashed by netizens for criticizing the other judges in Idol Philippines for not turning down a contestant, who JK believes is someone with a huge potential.


Naglabas ng saloobin si JK Labajo pagkatapos makatanggap ng hindi magagandang reaksiyon mula sa netizens. 

Kaugnay ito ng pagbibigay niya ng opinyon hinggil sa isang contestant sa Idol Philippines, ang singing contest na napapanood sa ABS-CBN.

Noong Lunes, May 13, nag-post ng mensahe si JK sa kanyang Instagram Story tungkol sa hindi pagkakapili ng judges sa reggae singer na si Luke Baylon.

Ang judges ng Idol Philippines ay sina Regine Velasquez, James Reid, Moira dela Torre, at Vice Ganda.

Tanging si Regine ang nag-"yes" sa contestant, kaya kinulang ng boto si Luke para makaungos sa next round.

Reaksiyon dito ni JK: “HUGE shame on the other ‘judges’ for not seeing this guy’s potential. what a shame.”

Si JK ay produkto rin ng singing contest sa ABS-CBN noong 2014, ang The Voice Kids, kung saan isa siya sa grand finalists.

JK LABAJO DEFENDS HIS OPINION

Nitong madaling-araw ng Huwebes, May 16, nag-post muli ng mensahe si JK sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila sagot ito sa mga natanggap niyang pambabatikos kaugnay ng kanyang opinyon hinggil sa Idol Philippines judges.

Pinaratangan din ng ilang netizens si JK na sumasakay sa kontrobersiya.  

Pahayag naman ni JK, “for you people who get so turned on with issues, i’m not trying to make one.

"We all have our own opinions and i’m just sharing my own thoughts.”

Dagdag niya, “anyway whatever i moved on from this already like just now so sayonara carbonara.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkalipas ng isang oras, muling nag-post ng mensahe si JK.

Dito, inilabas ng "Buwan" singer ang kanyang hinaing tungkol sa aniya’y maling perception ng mga Pinoy sa mga artista.

Himutok ni JK, sa tingin daw ng publiko ay dapat perpekto ang mga artista at hindi dapat nagbibigay ng kanilang opinyon.

“filipinos have this crazy mindset that celebrities or public figures shouldn’t or can’t share their own thoughts on things in life.

"Artistas should be perfect and all. damn."

Diin pa ni JK, huwag asahan sa kanya ang maging perpekto dahil normal lang daw siyang tao.

“for u and for nation, di ako artista. Ako’y isang normal na tao lang.

"don’t expect perfection in me. go find it somewhere else."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN