Piolo Pascual more than willing to do project with Angel Locsin


"Welcome na welcome siya dito [ABS-CBN] to work with us. Angel is a nice person. Kahit hindi pa kami nagkakasama sa pelikula or TV show, nagkatrabaho naman kami sa commercials," says Piolo Pascual about his possible leading lady Angel Locsin.



Anytime ay darating na ang controversial young actress na si Angel Locsin mula sa London at posibleng nakahanda na rin ang kontratang pipirmahan niya sa ABS-CBN. May bali-balita na isa sa mauunang gagawin ni Angel sa Kapamilya Network ay ang programa kung saan makakapareha niya ang matinee idol na si Piolo Pascual.



Sa first Star Magic Ball last Sunday, August 5, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo. Tinanong namin siya kung may nakalatag na offer sa kanya to do a project with Angel.



"So far, wala pang nakarating sa akin na project na gagawin namin ni Angel," sagot ng aktor. "But if ever, I'm more than willing to do that at welcome na welcome siya dito [ABS-CBN] to work with us. Angel is a nice person. Kahit hindi pa kami nagkakasama sa pelikula or TV show, nagkatrabaho naman kami sa commercials."

Tatlong product endorsements ang pinagsamahan nina Piolo at Angel: SanMig Coffee, Timex, at Centrum.

Pero bago si Angel, mauuna siguro na makatrabaho ni Piolo si Kristine Hermosa sa pelikula. Hindi pa raw kasi niya nakakasama si Kristine sa pelikula bilang leading lady.

Malapit na ring matapos ang existing teleserye ni Piolo with Claudine Barretto sa ABS-CBN na Walang Kapalit. Nakatakda ring umalis ng Pilipinas si Piolo para sa show nila sa U.S. nina Sam Milby at Willie Revillame.



Sa latest K-text ni Piolo, masaya niyang ibinalita na nakakuha na siya ng license. Dito, updated din ang kanyang mga fans sa kanyang susunod na album. Naging busy si Piolo sa pagre-record ng mga kanta sa bago niyang album.

By this time, tapos nang mag-record ng mga kanya si Piolo. Isa si Toni Gonzaga sa mga special guests sa album ni Piolo. Noong Huwebes, August 2, pagkatapos ng presscon ni Toni Gonzaga para sa Entertainment Live!, dumiretso siya sa recording studio para gawin ang duet nila ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi pa sure ‘yung title ng album. But it will come out na very, very soon," sabi ni Piolo.



Pagbalik ni Piolo mula sa U.S. concert niya, aatupagin na niya ang pagpu-promote sa album and then, ang nalalapit na major concert niya sa Araneta Coliseum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN