Benjamin Alves says no need to explain breakup with Julie Anne San Jose 

by Rachelle Siazon
May 17, 2019
Benjamin Alves refuses to defend himself from netizens saying Julie Anne San Jose is better off without him: "She deserves that sympathy and love, especially for people that know who she is."
PHOTO/S: Noel Orsal / Nice Print Photo

Ayaw nang idetalye pa ni Benjamin Alves anuman ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng dating girlfriend na si Julie Anne San Jose.

"Not that I don't need to, not that I don't want to, it's just it won't do anybody good to explain.

"Wala, e. It has come to pass. It has already been a few months. Yeah, it's done," saad ni Benjamin.

Humigit-kumulang anim na buwan na ang lumipas mula nang unang maiulat na nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon.

Pero hindi pa nabibigyang-linaw ni Benjamin ang isyu dahil ilang buwan din siyang nagluksa sa pagpanaw ng kanyang amang si Ebet Sapida.

Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin pagkatapos ng presscon ng Dahil Sa Pag-ibig, sa 17th floor ng GMA Network Center noong Miyerkules ng gabi, May 15.

Tinanong namin si Ben kung gusto ba niyang depensahan ang sarili sa ilang netizens na kinatigan si Julie Anne matapos ang kanilang hiwalayan.

Continue reading below ↓

May mga nagkokomento pang mas mabuting hindi na nobyo ni Julie Anne si Benjamin.

Pero ang maginoong sabi lang ng aktor: "If they sympathize with her, that's good.

"She deserves that sympathy and love, especially for people that know who she is.

"So if they hate me or whatever, I'm OK with that."

Tanggap daw ni Benjamin kung anuman ang sasabihin ng iba.

"Again, you have to live with your truth. You have to live with what happened.

"And that's part of the process.

"So it's OK with me. It's fine."

Hindi man maidetalye ni Benjamin ang kanilang breakup, ang tanging masasabi raw niya ay pareho sila ni Julie Anne na dumaan sa proseso ng paghihilom.

Sa parte ng aktor, bukod sa breakup ay dumaan din siya sa pagsubok nang pumanaw ang kanyang ama.

Alam daw ni Benjamin na hiwalay na isyu ang breakup nila ni Julie Anne, at ayaw na niyang magsalita pa hinggil dito.

Continue reading below ↓

"It's two separate things, it really is," sabi lang niya.

JULIE ANNE NO REGRETS ABOUT RELATIONSHIP WITH BENJAMIN

November 2018 umugong ang balitang hiwalay na ang couple, at nang sumunod na buwan ay kapansin-pansing nag-unfollow sila sa isa't isa sa Instagram.

January 2019 kinumpirma ni Julie Anne na hiwalay na sila ni Benjamin at hindi na rin daw sila magkaibigan.

Sabi noon ng singer-actress, "Siguro may ganung mga bagay na hindi talaga nagwu-work. I think that it's best for us."

Sa huling panayam ng PEP.ph kay Julie Anne nitong May 6, inamin niya na nasa "healing" stage pa rin siya.

Ganunpaman ay nilinaw niya na wala raw siyang "regret" sa naging relasyon nila noon ng ex-boyfriend.

Bukod sa naging magkasintahan sina Julie Anne at Benjamin ay nagkatambal din sila sa 2017 Kapuso afternoon series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benjamin Alves refuses to defend himself from netizens saying Julie Anne San Jose is better off without him: "She deserves that sympathy and love, especially for people that know who she is."
PHOTO/S: Noel Orsal / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results