GT member Dawn Chang reacts to DOM issue

IMAGE Noel Orsal

Dawn Chang says repackaging of It's Showtime all-female group GirlTrends needed to neutralize their bad image.


Aminado ang GT member na Dawn Chang na ilang tao ang pinag-iisipan sila nang masama, gaya ng pagkakaroon ng benefactor o boyfriend na dirty old man (DOM), dahil sa sexy image nila.

Saad ng 30-year-old dancer, “E, kasi, hindi maiiwasan, may mga gumagawa naman talaga.

“Pero, e, anong gagawin ko?

“I cannot control what their thinking about me or about those kinds of stereotypes.

“Basta ako, this is what makes me happy.

“I’m comfortable in my own skin, sexy dance, ano ba, stereotype, e."

Ang kamiyembro ni Dawn na si Chie Filomeno ay pinabulaanan na ring may sumusuporta sa kanyang sugar daddy dahil sa diumano’y mga mamahaling gamit na mayroon siya ngayon.

Pinaghirapan daw niya ang lahat ng kung anuman mayroon siya.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit ni-repackage ang kanilang dating grupong nakilala sa pangalang GirlTrends, at ngayon ay tatawagin na lamang na GT.

Sabi ni Dawn, “This is one of the reasons why we changed the branding of GT, which is empowered women because this has to stop, yung mga ganitong stereotypes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kalungkutan man na mula sa lagpas 20 ay pito na lamang sila ngayon—Dawn, Mica Javier, Krissha Viaje, Chie, Mikee Agustin, Sammie Rimando, at Joana Hipolito—para naman daw ito sa kabutihan nila.

Saad ni Dawn, “Sobrang dami talaga namin noon.

“In-explain naman sa amin yun na this is always for the better.

“Wala namang gagawin ang [It's] Showtime na ikakasama ng grupo.

“So, kung yung pagbabawas ay parte ng plano nila para mapabuti ang grupo namin, okay lang at maiintindihan naman namin yun.”

DAWN CHANG'S BOYFRIEND

Samantala, dalawang tao nang nagsasama sa iisang bubong si Dawn at ang boyfriend nitong si Justin Cuyugan.

Pero hindi pa raw pumapasok sa isipan nila ang pagpapakasal.

Aniya, “Napag-uusapan pero hindi naman kami nagmamadali.”

Sa ngayon, abala si Dawn sa pagpu-promote ng single ng GT na “Breakthtough.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN