Direk Joyce Bernal: Marian Rivera is perfect as Marimar


"Sana magustuhan si Marian ng mga tao bilang Marimar talaga. Kasi, ibig sabihin, kapag nagustuhan siya ng mga tao bilang Marimar, magugustuhan na rin siya ng mga tao bilang si Marian, as her name, di ba?" says director Joyce Bernal (right) about her lead star Marian Rivera (left).



Ang teleseryeng Marimar ang pinakabago at tinatayang most ambitious primetime project ng GMA-7 ngayong taon ito. Ito rin ang nagsisilbing comeback project ng direktor na si Bb. Joyce Bernal sa Kapuso Network pagkaraan ng limang taon. Si Direk Joyce ang nagdirek ng soap opera na Ang Iibigin ay Ikaw na tinampukan nina Christopher de Leon at Richard Gomez noong 2002.



Sa presscon ng Marimar kagabi, August 7, sa Studio 3 ng GMA-7, sinabi ni Direk Joyce na very happy siya na si Marian Rivera nga ang napili at nakapasa sa ginanap na audition para gumanap sa Pinoy version ng Marimar.



"Dalawa ‘yung audition day, pero second day na ako dumating. Sa lahat siguro ng nag-audition, siya [Marian] ‘yung masasabing pinakagustung-gustong mag-Marimar. May sariling costume; ‘yung buhok niya dati red, pero nang dumating siya, black na. Kumbaga, nag-effort talaga," simulang pahayag ni Direk Joyce.



Nai-imagine niya rin ba kung sakaling si Angel Locsin nga ang natuloy na maging Marimar?



"Napi-picture ko," sabi ni Direk Joyce. "Nakasama ko si Angel noon sa Ang Iibigin Ay Ikaw. Magaling din siya, pero hindi ko kasi nasubaybayan ang career niya after that. Palagay ko si Marian, advantage ‘yung walang expectation masyado.



"Happy ako na si Marian. Kasi baka kung si Angel, baka ma-pressure ako. Kasi galing nga siya [Angel] sa mga hit soaps. So, kung sakali at mag-fail, puwedeng isipin na ako ang may problema.



"Sana magustuhan si Marian ng mga tao bilang Marimar talaga. Kasi, ibig sabihin, kapag nagustuhan siya ng mga tao bilang Marimar, magugustuhan na rin siya ng mga tao bilang si Marian, as her name, di ba?"



Sa palagay ba ni Direk Joyce ay si Marian na talaga ang "next big star" of GMA-7?



"She could be," sagot niya. "Kung hindi man ngayon, mahaba kasi... Talented, e. Talented ‘yung bata, magaling umarte."



Malaki ba ang magiging kaibahan ni Marian sa Marimar kay Thalia noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Actually, hindi namin binago, medyo Pinoy lang....medyo iba kasi ang kultura ng Mexicano. Ang Filipino, kahit sabihin mong ganyan, hindi sila ‘yung masyadong aggressive. Lalaki pa rin ang dapat na humalik. Si Thalia before, siya ‘yung humahalik. Now, we're on our third week pa lang, so medyo inaalalayan pa namin."



Ayon pa kay Direk Joyce, nasa 80-90 percent daw ang pagkakahalintulad ng Pinoy version sa Mexican version ng Marimar. Inamin din niya na hindi raw niya napanood ang original Marimar noong ipinalabas ito sa telebisyon, kaya lately lang daw niya itong pinanood nang tanggapin na niya ang offer to direct it.

FULGOSO. Natatawang inamin ni Direk na this time, hindi talaga siya sa mga artista nahihirapang magdirek kundi sa mga cast na aso tulad nina Fulgoso at Fifi. Ang mga boses na ginamit para kina Fulgoso at Fifi ay kina Michael V. at Rufa Mae Quinto.



"Lahat ng mga hayop!" tili niya. "Hindi naman sa ayaw ko sa aso, pero hindi rin naman ako mahilig sa mga pets. Pero mahirap talaga, kasi aso pa rin naman ang mga 'yan, di ba?"



Dumarating ba ang moment na nakikipag-usap na rin siya sa mga aso?



"Nakikipag-usap ako kapag dumarating na ang time na four in the morning at tinotopak na ako. Sinasabi ko, 'Fulgoso, malungkot ka dito, ha?' E, si Fulgoso, meron siyang crying and smiling face," natatawang kuwento ni Direk Joyce.

BACK TO GMA-7. Aminado rin si Direk Joyce na sa pamamagitan ng kaibigang si Regine Velasquez, in a way, naipahatid ang feelers sa GMA-7 na type niyang magdirek ng isang show sa naturang network.

Si Joyce ang direktor ni Regine sa mga pelikulang Kailangan Ko'y Ikaw, Pangako... Ikaw Lang, at Paano Kita Iibigin. Incidentally, si Regine ang kumanta ng theme song Marimar.



"Sinabi ko talaga, "Reg, sabihin mo naman sa GMA, gusto kong gumawa ng show, kahit sitcom lang, huwag lang soap.' Tapos, biglang nagpatawag nga si Ma'am Wilma Galvante sa office niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Tapos sinabi ko nga na nagdadalawang-isip ako. Ayoko ng soap, kasi nape-pressure ako. Noong sinabi ko kay Tita Ethel [Ramos], manager ko, e, fan 'yata ng Marimar, sabi sa akin, ‘Sige, sige, maganda ‘yan!' Tapos, pinanood ko, nagandahan ako at nasabi kong kaya ko pala ang character," kuwento ni Direk Joyce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN