Winwyn Marquez shocked by brother Jeremy's breakup with Gwen Zamora

IMAGE Noel Orsal / @gwenzamora Instagram

Winwyn Marquez on brother Jeremy's breakup with Gwen Zamora: "Kasi ako yung tipong person na hangga't hindi mo ikuwento sa akin, hindi ako magtatanong. "Ayokong i-meddle, e. So ako rin nagulat dun."


Natatawang nagkuwento si Winwyn Marquez na pareho silang "loveless" ng kapatid niyang si Jeremy Marquez. 

"Loveless kaming lahat! Bakit ganun?!" natatawang bungad ni Winwyn. 

February 2019 nang kumpirmahin ni Winwyn na hiwalay na sila ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras pagkatapos ng dalawang taong relasyon. 

November 2018 nang lumabas ang balitang hiwalay na si Jeremy sa ex-fiancée niyang si Gwen Zamora.

Ito ay matapos mabunyag na ang basketbolistang si David Semerad na ang bagong boyfriend ni Gwen.

Walang malinaw na dahilan kung bakit nag-break sina Gwen at Jeremy, gayong October 2015 pa lang ay engaged na sila. 

Binalak pa nilang magpakasal noong December 2016, pero hindi ito natuloy. 

Sabi naman ni Winwyn tungkol sa isyu:

"Bakit nga ba? Ako rin, nagulat ako, promise!

"Kasi ako yung tipong person na hangga't hindi mo ikuwento sa akin, hindi ako magtatanong.

"Ayokong i-meddle, e. So, ako rin nagulat dun." 

Hindi ba sila nakakapag-usap ni Jeremy tungkol sa kani-kanilang love life? 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Winwyn, "In fairness sa mga kuya ko, hindi rin naman sila nagme-meddle sa love life ko.

"So siguro hindi rin ako dapat mag-meddle sa love life nila."

Giit pa ng dalaga, "Ayoko naman makialam kasi hindi ko naman life yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa presscon ng Dahil Sa Pag-ibig, ang bagong Kapuso afternoon series na pinagbibidahan nila nina Sanya Lopez, Benjamin Alves, at Pancho Magno. 

Ginanap ang presscon sa 17th Floor ng GMA Network Center, noong Miyerkules, May 15. 

ON BROTHERS JEREMY MARQUEZ AND VANDOLPH QUIZON

Kuwento pa ni Winwyn, wala ring pagkakataong makapag-bonding silang magkapatid dahil panay trabaho ang kanilang inaatupag.

Ni hindi raw nakasama si Winwyn sa pangangampanya ni Jeremy bilang vice mayor sa Parañaque City. 

Ang isa pang kapatid ni Winwyn na si Vandolph Quizon ay kumandidato naman bilang konsehal sa first district ng Parañaque. 

Nanalo si Vandolph, pero si Jeremy ay hindi pinalad nitong kakatapos na 2019 midterm elections. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-sorry din naman ako sa kanila dahil hindi ako nakaakyat sa stage nila both.

"Kasi nga, I have Dahil Sa Pag-ibig and I am also co-hosting Glow Up on GMA News TV.

"Binabagnko rin namin yung taping kasi aalis ako for fifteen days. Pupunta ako ng Korea."

JEREMY MARQUEZ STILL OPTIMISTIC 

Hindi man nanalo si Jeremy ngayon, naniniwala raw si Winwyn na may pagkakataon pa rin itong magbigay-serbisyo sa Parañaque. 

"Sabi naman niya, if it's Gods will, tatanggapin naman niya.

"May mananalo, may matatalo, hindi naman palaging panalo, di ba?

"Pero itutuloy pa rin niya yung mga projects na gusto niyang gawin.

"Eventually sana makabalik siya. Hindi pa naman huli 'yan for him, bata pa naman si Kuya."

Dagdag pa ni Winwyn patungkol kay Jeremy, "So I pray for him na he's OK. Mukha naman siyang OK.

"He's a very positive person. Very strong yung kapatid kong yun." 

Si Winwyn ay anak ng dating mag-asawang Alma Moreno at Joey Marquez. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jeremy ay anak ni Joey sa kanyang first wife na si Francesca Siron. 

Si Vandolph ay anak ni Alma sa ex-boyfriend at Comedy King na si Dolphy.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN