Janine Gutierrez unhurt after Dragon Lady fight scene mishap

IMAGE Noel Orsal

Janine Gutierrez remains unshaken despite a minor head injury she incurred while taping a fight scene for Dragon Lady last Friday night, May 17.


Naaksidente si Janine Gutierrez sa set ng taping ng Dragon Lady, ang Kapuso serye na kanyang pinagbibidahan.

Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, May 17, ay kinunan ang arnis fight scene ni Janine sa naturang Kapuso fantasy series.

Sa kasamaang-palad ay hindi sinasadyang tinamaan sa ulo si Janine ng bamboo stick, at dahil dito ay nagtamo ng bukol sa ulo ang Kapuso actress.

Agad isinugod sa ospital ang dalaga at isinailalim sa X-ray at MRI.

Nang makitang wala naman siyang major injury sa ulo bukod sa pamamaga, pinayagan ng doktor na ma-discharge agad si Janine mula sa ospital.

At dahil sadyang professional siya sa kanyang trabaho, agad ding bumalik sa set si Janine at itinuloy ang taping kahit may bukol pa siya sa ulo.

Pangalawang beses nang naaksidente si Janine ngayong taon.

Noong nakaraang April 1 ay binangga ng isang firetruck ang sasakyan ni Janine habang patungo siya sa taping para sa Dragon Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN