Kyline Alcantara enjoys first trip to New York

IMAGE Glen Regondola / Instagram

Kyline Alcantara on her unforgettable moments in New York: "Of course, yung shopping po, yung pasyal namin sa main New York po. Yung mga lakad namin sa Times Square, mga photo shoots diyan kahit umuulan."


Limang araw mula nang dumating si Kyline Alcantara galing sa New York para sa Studio 7 Musikalye sa Brooklyn, hindi pa rin nawawala sa kanyang isip ang magagandang karanasan niya rito.

Ang biyahe ni Kyline sa U.S. ay pangalawang biyahe niya abroad.

Unang biyahe niya sa Singapore at tulad duon ay talaga raw ninamnam niya ang bawat oras na naroon siya sa syudad ng New York kasama ang ilang Kapuso stars.

Kuwento ng Kapuso young actress, na hindi mawala ang ngiti sa kanyang mukha, “Nabawi ko na yung jetlag ko ngayon lang.

“Kasi for the past few days, hirap na hirap po talaga akong makatulog.

“Hindi dahil sa ayaw kong matulog, hindi lang talaga ako makatulog.

“Bumawi naman po ako, pero dahil sa back to work na ulit ako, parang ganun po ang nangyayari.”

Patuloy ni Kyline, “Sobrang nag-enjoy po ako sa New York.

“Lalo na yung performances namin and, of course, yung pinasaya namin yung mga mommy, kasi nandun po kami nung Mother’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tapos, kasama ko pa po ang mommy ko [Rowena Alcantara] kaya mas doble po ang kaligayahan ko.

“Of course, yung shopping po, yung pasyal namin sa main New York po.

“Yung mga lakad namin sa Times Square, mga photo shoots diyan kahit umuulan.

“Marami pang masasayang activities kahit very short stay lang po kami.”

THE CITY THAT NEVER SLEEPS

Ayon pa kay Kyline, ang New York ay dapat lang tawaging “The City That Never Sleeps.”

Ani Kyline, “Opo, it never sleeps talaga.

“Sobrang daming tao, sobrang busy po lahat.

“I need to catch up.

“Ibang-iba talaga rito sa Pilipinas.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang teen actress sa block screening ng pelikulang S.O.N.S. (Sons of Nanay Sabel) sa Cinema 1 ng Star Mall, sa San Jose del Monte, Bulacan, kahapon, May 19.

Inisponsor ito ng negosyanteng si Zaldy Aquino para sa kaibigan niyang si Ai-Ai de las Alas, na siyang bida sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kyline, bukod pa sa kapwa Kapuso niyang si Jeric Gonzales, ang isa sa nagbigay ng suporta sa block screening na ito na dinaluhan din mismo ni Ai-Ai at ng asawang si Gerald Sibayan.

Kumusta naman ang karanasan niyang makapag-perform para sa mga kababayang nasa Amerika?

Pagmamalaki ng 16-year-old singer-actress, “It was amazing!

“It feels great na makita ang lahat ng moms dun, at lahat ng mga tao dun na ang sarap ng pakiramdam na nakapagbigay kami ng kahit konting happiness sa mga Kapuso nating malayo sa Pilipinas.

“Mas naging close din kami ng mga kasama kong artists kahit konti lang kami, pero nag-bonding naman po kami.”

SUPPORTING AI-AI DELAS ALAS

Samantala, ang saya raw sa pakiramdam ni Kyline na sa kahit maliit na paraan ay nakapagbigay siya ng suporta sa idolo niyang si Ai-Ai.

Saad niya, “Opo. Alam ko pong kahit papaano ay masaya po siya.

“Alam naman po niya na idolo ko siya, at nag-enjoy po ako sa movie niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibang klase talaga magpatawa si Ms. Ai. Simple ang atake, pero matatawa ka talaga.

“Inimbitahan ko rin siya sa premiere night ng pelikula kong Black Lipstick, at dadalo rin daw po siya pag wala rin lang naman siyang ibang commitment.

“Ang sarap lang po sa pakiramdam, lalo na po na si Tito Zaldy ang nag-organize ng block screening na ito na lagi rin pong nakasuporta sa career ko simula pa noon.

“Yun lang po.”

Ang Black Lipstick ng Obra Productions ang kauna-unahang movie ni Kyline bilang lead actress.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN