Winwyn Marquez reacts to netizens who don’t like her for Alden Richards

IMAGE Noel Orsal / @aldenrichards02 Instagram


Aminado si Winwyn Marquez na may ilang netizens ang naghayag ng disgusto matapos lumabas ang balitang nag-uugnay sa kanila ni Alden Richards.

Nag-ugat ito sa pagdalo ni Winwyn sa opening ng franchise restaurant ni Alden sa Biñan, Laguna noong April 24.

Nakunan ng litrato ang dalawa na magkatabi, at naging mitsa ito ng espekulasyon kung may espesyal bang namamagitan sa kanila.

Ayon kay Winwyn, may ibang netizens ang nagta-tag pa sa kanya tungkol sa isyu.  

“Natawa lang ako kasi pag nagbabasa ako, may storyline yung ibang bashers.

"Hindi ko alam kung saan nanggaling. Parang pang-Wattpad."

Ang Wattpad ay isang online platform kung saan puwedeng mag-submit ng kuwento o nobela ang kahit sinong netizen.

Hindi raw apektado si Winwyn kung batikusin man siya ng fans ni Alden na hindi pabor sa kanya para sa binata.

“Pero naiintindihan ko, kasi may ibang fans si Alden na very sensitive din naman.

“So, okey lang sa akin. Hindi naman parang sobrang personal yung attack nila sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Winwyn pagkatapos ng media launch ng GMA-7 afternoon series na Dahil sa Pag-ibig, noong May 15.

ALDEN AND WINWYN'S CIRCLE OF FRIENDS

Una nang nilinaw ni Winwyn na magkaibigan lang sila ni Alden at walang espesyal na dahilan kung bakit siya invited sa opening ng restaurant ng Kapuso actor.

Taong 2012 ay nagkatrabaho sila ni Alden sa teleseryeng One True Love, at mula noon ay naging mabuti na raw silang magkaibigan.

Kung tutuusin ay marami na rin daw nai-post si Winwyn na pictures kasama si Alden noong panahong madalas silang magkatrabaho sa defunct Kapuso Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.

“Umaakyat kami ng bundok kasama sina Rodjun Cruz and Bea Binene.

“Tsaka sa lahat ng opening niya, invited naman talaga ako. Hindi lang ako nakakapunta.

“So siguro nabigyan lang ng malisya kasi nagulat sila andun ako.”   

Hindi lang daw talaga sila nakakaakyat ulit ng bundok dahil madalas ay busy sa trabaho si Alden.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon bang nakaramdam siya ng attraction kay Alden?

Sagot ni Winwyn, “Wala, kasi kaibigan ko siya.

“So, pag nag-uusap kami ng personal stuff, siyempre nag-uusap kami as good friends, wala namang ilangan.

“Nagulat nga ako. ‘Oh my gosh, na-link ako kay Alden! Anyare?’”

Panay ang puri ni Winwyn sa magagandang katangian ni Alden.

“Si Alden kasi nakikinig siya, kunyari pag may pinag-uusapan, hindi lang siya puro joke time. He's a deep person.

“He's good with people also. Alam niyo naman na si Alden mabait sa lahat, sobrang sweet din sa lahat.”

Pero kahit nakakapag-usap daw sila ng “personal stuff” ay hindi raw niya binigyan ng malisya iyon.

Giit ni Winwyn, “Never sumagi sa utak ko na magiging issue yung closeness namin ni Alden."  

Kahit na pareho silang single sa ngayon?

Sagot ni Winwyn, “E, hindi ako ready.

"Si Alden naman parang ang busy niya sa life.

"So, parang hindi niya naman naiisip yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WINWYN NOT AFRAID OF BASHERS 

Panay ang tukso ng ibang entertainment reporters kay Winwyn kung posibleng magkagusto siya kay Alden.

At baka nag-aalangan lang daw si Winwyn na ma-bash siya ng netizens na hindi pabor sa kanya kay Alden.

Hirit naman ng beauty queen-actress, “Ay, hindi. Kasi kung talagang mahal mo iyong tao at gusto mo pa yung tao, kahit anong bash pa 'yan, sasabihin mo.

“Kung honest ka naman sa feelings mo, kahit sa interview, wala ka naman kakatakutan, e.

“Hindi naman ang karelasyon mo yung bashers, ang karelasyon mo yung tao.”

Hindi rin naman daw siya ang tipo ng artista na nagtatago kapag mayroon siyang manliligaw or boyfriend.

“Wala akong itinatago. 

“I can comment on his Instagram. And then, if ila-like niya yung picture ko, ila-like ko picture niya, I don’t think there's anything wrong kasi magkaibigan naman kami. Public din naman ang Instagram.

“Siguro iba lang interpretaton ng ibang tao.”  


Stories We Are Tracking

Winwyn Marquez laughs off reports linking her to Alden Richards
Winwyn Marquez laughs off reports linking her to Alden Richards
Pagkakaugnay ni Alden Richards kay Winwyn Marquez, ayaw tanggapin ng possessive fans
Pagkakaugnay ni Alden Richards kay Winwyn Marquez, ayaw tanggapin ng possessive fans
Alden Richards at Winwyn Marquez, kapansin-pansin ang closeness
Alden Richards at Winwyn Marquez, kapansin-pansin ang closeness
Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras
Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN