Katrina Halili wants to try other roles aside from contravida


Katrina Halili feels typecast as a villain but is happy enough that she doesn't lack for projects from GMA-7. She plays the role of Angelica in Marimar.


"Siyempre gusto ko naman po maging mabait. Ayoko naman na sa tanang buhay ko kontrabida ako kasi ang tingin na sa akin ng mga tao sa totoong buhay kontrabida ako," pabirong comment ni Katrina Halili nang tanungin siya kung gusto niyang mag-try ng ibang role bukod sa pagiging kontrabida.

Sa presscon ng Marimar kagabi, August 7, sa Studio 3 ng GMA-7, nabanggit ng dating StarStruck Avenger na bagaman okay lang sa kanya ang mga kontrabida roles, gusto rin niyang masubukan na gumanap ng ibang karakter.

Matatandaan na madalas na kontrabida roles ang napupunta sa kanya simula nang maging Dark Darna siya sa fantaseryeng Darna.

"Ayaw ko na sanang magkontrabida kasi ayaw ko ngang natatatak ako ng parang kontrabida, iyon 'yung naging problema ko sa totoong buhay kasi parang iyon ang tingin sa akin ng mga tao, maldita. Like iyong mga pictorials ko sa FHM akala bold star ako. Akala ganun iyong ugali ko, masama iyong ugali ko," paliwanag ni Katrina.

Ito rin ang dahilan kung bakit noong una ay alangan siyang tanggapin ang role na Angelica sa Marimar. Aniya, "Akala ganun iyong ugali ko, masama iyong ugali ko....Teka muna, bakit ganun?' So parang napaisip ako."

Sa katunayan, nang pinanood daw niya ang movie ng Marimar, nasabi daw ni Katrina na, "Never kong gagawin 'tong Angelica."

Ngunit kalaunan ay napapayag din siya. "Pero noong kinausap ako, in-offer sa akin, in-explain sa akin 'yung story so parang nag-decide ako, kinausap ko si Tita Wilma, okay na."

Hiniling nga lamang ni Katrina na baguhin ang ilang bagay mula sa original na Angelica. Salaysay ni Katrina, "Sinabi ko, ‘Pwede bang iyong hair ko ganito, papa-straight ko na lang ng black? Tapos maghe-headband na lang ako. Gagawin kong fashionable na lang si Angelica.' Tapos 'yun pumayag sila, so pinaglalaruan ko na lang [ang character] ni Angelica sa pananamit niya at sa hitsura niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang panghuli, nilinaw ni Katrina na kahit puro kontrabida roles ang nao-offer sa kanya ay masaya pa rin siya sa kanyang trabaho sa GMA-7. Natutuwa din siya dahil hindi siya nawawalan ng projects simula nang matapos ang StarStruck. Aniya, "Okay naman po ako sa ibinibigay sa akin ng GMA-7. Happy naman po ako sa ibinibigay sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN