Dingdong Dantes at Ice Seguerra, inalmahan ang anomalya sangkot si NYC Chairman Ronald Cardema

IMAGE Noel Orsal / @iceseguerra Instagram


NOEL FERRER: Hindi man tumakbo for any elective position, malaki pa rin ang malasakit nina Dingdong Dantes at Ice Seguerra sa dating government position na kanilang pinagsilbihan—ang National Youth Commission (NYC) na nasa balita ngayon.

According to reports, Malacañang has ordered the NYC head Ronald Cardema to vacate his post after he asked the COMELEC to replace his wife Duciele Suarez, the Duterte Youth party-list first nominee.

Tahasang binatikos ni Dingdong ang diumano'y galawang "railroading" ni Cardema upang makakuha ng puwesto sa Kongreso sa pamamagitan ng Duterte Youth party-list.  

Ito ay dahil sa wala ang pangalan ni Cardema sa listahan ng limang nominado upang mamuno sa Duterte Youth Partylist.

Ngunit sa hindi pa malamang dahilan ay biglaang umatras umano ang limang nominado kasabay ng pagpalit kay NYC Chairman Cardema bilang substitute.

Ang sabi tuloy ni Dingdong sa sunud-sunod niyang tweets: “Clearly, if the petition will be granted, parang na-railroad ang democratic process of choosing the rightful representative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think we all agree that the young people should never—ever— be disenfranchised, especially in governance. But with the country’s youth chief getting into this? Teka lang.

“Ipinaglaban at patuloy na itinataguyod ng mga opisyal at empleyado ng NATIONAL YOUTH COMMISSION (NYC) ang karapatan at kakayahan ng kabataang makibahagi sa pamamahala, regardless of regime.

“Huwag nating hayaang madamay at mabahiran ang importanteng institusyong ito na nangangalaga sa kabataan.

“Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag-resign siya bilang NYC Chairman.

“Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya? [shocked emoji] Maaari kasing nagamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya.

“Malinaw rin naman ang batas kontra sa partylist na tumatanggap ng kahit anong suporta o may koneksyon sa gobyerno.

“Nakakalungkot na bilang pangunahing representante ng kabataan ay lumalabas na nakikisali siya sa pag-abuso at pag-circumvent sa Party-List system.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto man nating isipin na totoo ang kanyang hangarin, marami siyang dapat ipaliwanag kung paanong nag-withdraw lahat ng nominado ng kanilang Party List at sa biglaan niyang pagpasok bilang substitute ng kaniyang asawa na siyang number one nominee.

“Eto ba ang values na gusto nating ituro sa mga kabataan?

“Sa ating mga bagong mambabatas, please look into the Party-List system. Ipagtanggol at palakasin po sana ninyo ang mekanismong nagbibigay espasyo sa mga sektor na marinig ang kanilang mga boses.

“Wag niyo po sana hayaang masalaula ito ng mga taong uhaw o nalulunod sa kapangyarihan.

“At sa ‘yo, Mr. Cardema, if you really want to serve the young people, you are already in the best position to do so. Tanungin mo si Chairman CY Diño Seguerra, whom i respect so much.”

Hindi rin daw pabor si Ice Seguerra sa kontrobersiya sangkot ang NYC chairman na si Cardema.  

“Noong 2016, nangako ako sa Presidente at sa kabataan na ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya upang makapagsilbi at maging karapat-dapat na lider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But during my stint as NYC chair, I went through depression. It got worse around December of 2017.

“Because of my mental health issues at that time, I knew I won't be able to give them my best.

“Kaya nag-resign ako, kasi, hindi ko na maibigay ang 100% ko sa serbisyo. The Filipino youth deserves someone na makakapagsilbi nang buong puso, katawan, utak at kaluluwa.

“Kaya nalulungkot ako sa nangyayari. The youth deserves so much better than this.”

JERRY OLEA: Nananalig tayo na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya saludo tayo kina Dingdong at Ice sa kanilang paninindigan para sa kanilang kapakanan.

Nawa’y maresolba ang usaping ito sa lalong madaling panahon.

GORGY RULA: Por delicadeza! Mabuti pa pala ang ilang taga-showbiz, alam ang ibig sabihin niyan.

Naalala ko si Arnell Ignacio na nag-resign muna sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) bago siya nagdesisyong suportahan o i-endorse ang isang Partylist na ikinampanya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sana nag-seminar muna si Cardema sa ilang mga artistang nagkapuwesto sa gobyerno ano?

Hiningan ko si Dingdong ng dagdag pang pahayag tungkol dito, pero tama na raw iyong ipinost niya.

Sa totoo lang, gusto na talaga niyang manahimik sa isyung iyan, pero hindi nakapagpigil ang Kapuso actor na ihayag ang posisyon niya sa usaping ‘yan.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN