Agot Isidro accepts boyfriend Pilo Hilbay's defeat in 2019 elections

IMAGE @agotisidro Instagram / @otsodiretso Facebook

Contrary to a recent report, Agot Isidro says she has come to terms with boyfriend Pilo Hilbay's defeat in the 2019 senatorial race.


Nilinaw ni Agot Isidro na tanggap niya ang pagkatalo ng lawyer-boyfriend niyang si Pilo Hilbay sa 2019 elections. 

Si Pilo ay dating solicitor general na kumandidato sa pagkasenador sa ilalim ng partidong Otso Diretso. 

Hindi pinalad si Hilbay na makapasok sa Magic 12 ng senatorial candidates.

Sa tweet ni Agot noong May 17, kinontra niya ang isang ulat na nagsabing hindi pa raw siya maka-move on sa pagkatalo ng nobyo. 

Kaugnay ito ng matalinhagang tweet ng actress-singer noong May 13, na "China" ang tunay na "nanalo" base sa partial and unofficial tally ng nakuhang mga boto ng senatorial candidates noong mid-term elections. 

Taliwas sa nakasaad sa report, sinabi ni Agot na hindi pasigaw ang kanyang tweet tungkol sa pagkatalo ni Hilbay sa #Eleksyon2019. 

"Grabe. Tanggap na tanggap naman. Check yung tweet. Kalmado. Haaay," tweet ni Agot kalakip ang isang rolling eyes emoji. 

Una na ring nasabi ni Agot noong May 16 na bago pa man ang araw ng halalan ay inihanda na niya ang sarili sa anumang kalalabasan ng 2019 elections. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Postscript on the senatorial race: I was expecting the worst but was hoping to be surprised.

"The surprise didn’t come but the hope stayed on.

"

HOW AGOT AND BOYFRIEND PILO DEALT WITH CONTROVERSIES

Noong kasagsagan ng pangangampanya ni Agot para sa boyfriend niyang si Hilbay ay umani ng katakut-takot na batikos ang aktres. 

May mga kumuwestiyon sa relasyon ng dalawa at sa timing ng paghayag nila ng kanilang espesyal na pagtitinginan sa isang campaign rally noong Valentine's Day. 

Noong April 2019, nasangkot din sa kontrobersiya ang magkasintahan nang akusahan ni President Rodrigo Duterte na "gay" si Hilbay—bagay na mariing pinabulaanan nina Hilbay at Agot.

Hanggang sa kasalukuyan ay nakakatanggap pa rin umano si Agot ng pambabatikos, base sa kanyang tweet noong May 19. 

AGOT SAYS SHE AND HILBAY ARE A "PERFECT" COMBINATION

Sa kabila ng mga isyung kinasangkutan ng magkasintahan ay makailang-beses inihayag ni Agot ang pagmamahal at suporta sa nobyo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong May 10, ito ang paglalarawan ni Agot sa relasyon nila ni Hilbay: 

"For the most part, it’s like this. Other times, we are eating [smile emoji with tongue sticking out].

"I wish people would know more of you, not just your credentials, your achievements or how smart you are. But for who you are as a person.

"Steady always comes to mind. Even-tempered. Reasonable. Rational. Perfect for someone as crazy as me. [grinning emoji] Perfect for these crazy times. .

"Whatever happens, you tried your bestest, like you always do.

"Your campaign had no money but you have a vision of a less imperfect world with all your good intentions.

"Best of luck, lablab @pilo_hilbay [heart emoji] Ang laban mo ay laban ko. [praying for the Philippines emojis]" 


Stories We Are Tracking

Agot Isidro defends boyfriend Pilo Hilbay after President Duterte called him gay
Agot Isidro defends boyfriend Pilo Hilbay after President Duterte called him gay
Agot Isidro admits relationship with senatorial candidate Pilo Hilbay
Agot Isidro admits relationship with senatorial candidate Pilo Hilbay
Agot Isidro chides netizen over Regine Velasquez-Teddyboy Locsin issue
Agot Isidro chides netizen over Regine Velasquez-Teddyboy Locsin issue
Agot does not take sides in her criticisms of Duterte admin
Agot does not take sides in her criticisms of Duterte admin



ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN