Robin Padilla answers critics accusing him of money issue, personal interest in 2019 elections

IMAGE @marieltpadilla Instagram

Robin Padilla's message to his detractors: "Ito lang ang iiwan ko sa mga taong naglaan ng panahon para akoy gibain at sirain kasama ang aking pamilya 'i did it all for the glory of God, Country and fellowmen never of money or power' nagkaroon ako ng mga hindi pagkakaintindihan sa ibang mga tao dahil sa paniniwala at prinsipyo kailanman ay hindi tungkol sa pera o personal o paninira kundi katotohanan lamang."


Mariing pinabulaanan ni Robin Padilla ang akusasyong para sa pera at personal na interes ang nagtulak sa kanyang suportahan ang ilang kandidato nitong 2019 elections.

Si Robin ay kilalang solid supporter ni President Rodrigo Duterte mula noong 2016 elections.

Nitong huling eleksyon, naging aktibo rin si Robin sa pangangampanya ng mga kaalyado ng Pangulo, tulad ng senatorial candidates na sina Bong Go, dating special assistant to the president, at Bato dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief. 

Kasama rin si Robin na lumibot sa iba't ibang lugar sa bansa upang suportahan ang iba pang kaalyado ng Pangulo.

Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, May 22, naghayag si Robin ng saloobin tungkol sa mga umano'y "paninira" sa kanya nitong eleksyon.

Ibinahagi niya ang isang quote card na may litrato niya at written text na: "KAPAG PARA SA BAYAN, HINDI KA DAPAT BINABAYARAN."

Giit niya, kung may isyu man siyang kinasangkutan nitong eleksyon ay wala raw kinalaman sa pera o personal niyang interes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dire-diretsong saad ni Robin sa caption ng kanyang post:

"Napakarami kong natanggap na paninira sa aking pagkatao minsan patungkol sa akin career kadalasan personal.

"Ito lang ang iiwan ko sa mga taong naglaan ng panahon para akoy gibain at sirain kasama ang aking pamilya 'i did it all for the glory of God, Country and fellowmen never of money or power' nagkaroon ako ng mga hindi pagkakaintindihan sa ibang mga tao dahil sa paniniwala at prinsipyo kailanman ay hindi tungkol sa pera o personal o paninira kundi katotohanan lamang.

"Akoy humihingi na paumanhin sa mga taong nasaktan ko sa salita o nasigawan ko dahil sa emosyon o nakapagmalabis ako dahil sa sitwasyon."

Ayon kay Robin, patuloy ang kanyang boluntaryong pagtulong nang walang halong "personal interest" kahit tapos na ang eleksyon.

"Tapos na ang eleksyon may mga nanalo kayat mainam na isantabi na natin ang pulitika at magkaisa tungo sa law and order.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sino naman ang hindi pa nakakarecover sa huling mga kaganapan muli akong nagpapaaalala sa inyong mga matatapang at kaidaran ko hindi tayo ang magkakalaban dahil tayong lahat ay mga Pilipino at Rebolosyonaryo kayat hindi tayo ang dapat umabot sa sukdulan at magkadisgrasyahan my offer to die as heroes sa South China/ west Philippine sea is still standing at Hindi na kailangan pa ipaalam kahit kanino o sa gobyerno.

"Let us do a tausug and show our countrymen the best way to go is for the country not for any leader, money or personal interest sabi nga nila ang Sakripisyo para sa BAYAN ay Sakripisyo para sa DIOS! Ameen"

VOLUNTARY SERVICE OR PAID CAMPAIGN? 

Sa comments' section, isang netizen ang kumontra sa pahayag ni Robin. 

"oh really?? for your country and fellowmen? talaga lang ha," komento ng netizen kalakip ang isang thinking emoji. 

Ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes ang sumagot sa netizen at nagsabing hindi nagpapabayad ang aktor. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hi girl manager ako ni @robinhoodpadilla Meron ka bang alam na binabayaran siya? Opisina ko nag babayad lahat ng ticket local at out of the country. 

"Padala ko lahat sa'yo ang lahat ng billing namin para maging masaya ka...

"Pwede din Kita isama At madami pa Akong miles.. bigyan Kita oras padala ko sa'yo lahat ng proof of payment na opisina ko nag babayad, pero dahil dyan bayaran mo ako!" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patutsada ulit ng netizen, bakit tila defensive ang manager ni Robin gayong wala naman daw siyang sinabing binayaran ang aktor sa pangangampanya nito noong eleksyon. 

"managerXtagapagtanggol [laughing with tears emoji]

"imagine inassume ni manager na sinabi ko na binayaran sya sa campaign.. haha

"pakihanap po saan ko sinabi [laughing with tears emoji] guilty???"

May isa pang netizen ang nagsabing hindi siya naniniwala kay Robin. 

"weeh mukamo po," kontra ng netizen sa aktor. 

Sagot ulit ng manager ni Robin na si Betchay: "Hi [Instagram user] Anong problema mo sa mukha ni @robinhoodpadilla?"

Sa puntong ito ay sumingit si Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBIN REPLIES TO HIS SUPPORTERS

Sabi ni Robin kay Betchay: "Boss @betchayvidanes and @vidanes_cm wag niyo pagaksayahan ng ginto ninyong oras ang dalawang ito."

Nagpasalamat naman si Robin sa ibang netizens na tiwala pa rin sa kanya. 

Giit niya,"opo hindi kailangan maging pulitiko para sa public service kailangan lang ay may endorsement/commercial" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN