Bianca King says Champ Lui-Pio of Hale not yet her boyfriend


"Ang first public appearance namin, sa birthday party ni Ruffa [Gutierrez] and all of a sudden, people are thinking na kami na nga. Kahit sa PEP nabasa ko na kami na raw. Na-trauma yatang bigla si Champ!" says Bianca King dismissing rumors that Champ Lui-Pio of Hale is already her boyfriend.


Biggest break so far ni Bianca King ang Marimar where she plays Natalia. Ito ang follow-up niya after Atlantika, kung saan kasama niya rin si Dingdong Dantes na gaganap na Sergio sa Marimar ni Marian Rivera.

Sa labas ng Studio 3 ng GMA-7 kung saan idinaos ang presscon ng Marimar last August 8, nahabol ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bianca na paalis na sana at naantala lang ng ulan.

Ang unang tinanong namin sa kanya ay kung ano ang nararamdaman niya na maraming nagkaka-crush sa rumored boyfriend niyang si Champ Lui-Pio, ang vocalist ng Hale, like ang Pinoy Big Brother Season 2 winner na si Bea Saw at ang Pinoy Dream Academy winner na si Yeng Constantino.

"Crush ko rin siya," sagot na natatawa ni Bianca.

Contrary to speculations, hindi pa "on" sina Bianca at Champ. Hanggang ngayon, nanliligaw pa rin sa kanya si Champ at hindi niya pa sinasagot.

"Hello, I'm just 21! That can wait," sabi ni Bianca.

Friends sina Bianca and Champ (real name Arthur Champion Lui-Pio, pero hindi niya ginagamit ang Arthur dahil sa birth certificate lang daw ito), although inamin ni Bianca na nagsimula na nga itong manligaw sa kanya.

"Ang first public appearance namin, sa birthday party ni Ruffa [Gutierrez] and all of a sudden, people are thinking na kami na nga. Kahit sa PEP nabasa ko na kami na raw. Na-trauma yatang bigla si Champ!" sabay tawa ni Bianca.

BIG BREAK. Nadako ang usapan sa malaking break na ibinibigay ngayon ng GMA-7 sa lahat ng potential stars nito, katulad na nga ni Bianca na unang na-introduce noon sa last season ng Click.

"Sa akin, okay na muna ang pa-support-support," sabi niya. "Sila na muna, ang mga StarStruck girls, okay lang ako. Makakapaghintay naman ako."

Muntik na rin kasing maunsiyami si Bianca minsan kung kaya't may katagalan din bago siya napansin muli. Ipinakilala siya sa primetime via Mulawin at mismong ka-triangle noon nina Richard Gutierrez at Angel Locsin bilang si Aviona, muntik na ring ilipat ng kanyang manager na si Arnold Vegafria si Bianca sa ABS-CBN noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga relate na relate ako ngayon kay Angel sa situation niya. Katulad niya rin, it's about my manager. Mabuti na lang hindi rin natuloy. It's not that I don't like working for ABS, pero sa GMA ako nakilala," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN