Sunshine Cruz, Angeline Quinto, Deo Endrinal fire back at Jimmy Bondoc

IMAGE Courtesy: Sunshine Cruz and Jimmy Bondoc on Facebook / @loveangelinequinto on Instagram

Kapamilya stars Sunshine Cruz (left) and Angeline Quinto (center) react to Jimmy Bondoc's post about franchise renewal of ABS-CBN.


Isa-isa nang nagsisilabasan ang mga personalidad na tumutuligsa sa Facebook post ng singer na si Jimmy Bondoc tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Bahagi ng matapang na post ni Jimmy sa Facebook kahapon, May 22: “I am so excited to see the biggest tv network close down.”

Bahagi pa ng post ng ngayo'y Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR): “I AM EAGERLY AWAITING YOUR DEMISE.

"I know how this sounds. And I know the nasty comments which are bound to come. I don't care."

Sa taong 2020, mag-a-apply muli ang ABS-CBN sa Kongreso ng permit para ma-renew ang kanilang broadcast franchise for another 25 years.

Ngunit, bukambibig ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niyang makakuha muli ng franchise ang ABS-CBN.

Ito ay dahil sa panggagantso diumano sa kanya ng nangungunang TV network noong 2016 presidential elections, kung saan hindi raw inere ang canyang campaign ad kahit bayad na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng Pangulo noong November 2018: “Kalakas ng loob… mukhang marami kami sila Chiz Escudero, tanggap nang tanggap.

"Niloko ninyo kami, marami hindi lang ako kaya kayo hindi ko kayo palusutin.

"Yung franchise ninyo matatapos na, but let me ask you questions first, kasi ako talagang mag-object na ma-renew kayo."

Sa isa pang panayam kay Pangulong Duterte, sinabi nitong nakipag-ugnayan sa kanya ang ABS-CBN na isasauli na lang ang ibinayad niya sa kanyang campaign ad. 

"They offered to pay and I refused to accept it because it was returned to me… proposed to return the money was too late after the election.

"When you do that to many people, it’s fraud.

"You’re actually a fraud when you actually received money and you don’t come up with your part in the bargain."

SUNSHINE CRUZ, ANGELINE QUINTO GRATEFUL TO ABS-CBN

Ngayong araw, May 23, sunud-sunod ang pagtatanggol ng ilang personalidad na konektado at nagtatrabaho sa Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang umangal sa post ni Jimmy ang The General’s Daughter actress na si Angel Locsin.

Nag-post din ng mensahe sa Facebook ang aktres na si Sunshine Cruz at ang singer na si Angeline Quinto.

Ayon sa dalawa, malaki ang utang na loob nila sa ABS-CBNd ahil ito ang nagbibigay kabuhayan sa kanila at kanilang pamilya.

Pahayag ni Sunshine sa kanyang post:

“Share ko lang po. 

"Year 2013. Nung panahong lugmok ako, walang pera, walang matirahan, ABS-CBN ang nagbigay ng tsansa na makabalik ang isang katulad kong bagsak na bagsak ang moral.

"I will always be GRATEFUL to them.

"Naitaguyod ko ang aking tatlong maliliit na anak, nakapundar ako ng maayos na tahanan na aming tinitirahan ngayon.

"At nakakakakain kami ng nasa oras dahil sa pagtitiwala ng ABS-CBN sa isang katulad ko.

"Hindi ako kailanman magagalak na mawalan ng trabaho o pangkabuhayan ang nakararaming tao na nagtatrabaho ng maayos para matulungan ang kanilang pamilya dahil kailanman ay hindi ito tama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakadirekta naman kay Jimmy ang mensahe ni Angeline:

“Bilang isang singer, hindi ko kinakaya ang nakikita kong post na galing sayo Kuya.

"Hinahangaan pa naman din kita bilang katrabaho at bilang kaibigan.

"Nalulungkot ako kasi ABS-CBN ang naging pangalawang tahanan ko, Oo hindi pa ako kasing tagal ng ibang nagtatrabaho sa estasyon na ito, pero para ganun ang maging hiling mo para sa ABS-CBN hindi ko kaya Kuya.

"Ang dami kong naging pamilya sa estasyon na ito at dinamay mo sila lahat."

Patutsada pa ni Angeline sa "Let Me Be The One" singer: "Puro english ang post mo, isang bagay lang ang itatanong ko, nasaan ang salitang utang na loob sa pagkatao mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Instagram, sinabi rin ni Angeline na “forever grateful” siya sa ABS-CBN.

DEO ENDRINAL, OTHER PERSONALITIES REACT

Nagsalita rin sa isyu ang ABS-CBN executive at pinuno ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

Pahayag ni Deo sa kanyang Facebook post [published as is]: “Thousands of us working in ABS-CBN are thankful for the many oppurtunities, I think you should be thankful too.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip nito ang ilang larawan ng appearances ni Jimmy sa ABS-CBN: album cover ng kanyang Star Music album, guesting sa ASAP, at sa mga palabas nila sa TFC (The Filipino Channel) sa ibang bansa.

Sinagot naman ito ni Jimmy sa pamamagitan ng kanyang Facebook account:

“Sir Deo, boss, amo... linawin lang natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"1) Gratitude to the many good people in a certain network has NOTHING TO DO with the malicious news and info and alleged harassment cases that occur in its rooms;

"2) It also has ABSOLUTELY NOTHING TO DO with the alleged unlawful transfer of a network's ownership to the unwarranted benefit of a few individuals. That is for the courts to decide. And the grant or extension of a permit is the government's prerogative.

"3) Lastly, jobs need not be lost if there is a change of ownership. Bakit tatanggalin ang mga walang kasalanan? And if illegally removed, meron namang legal recourse ang employees."

"Are you saying that for example- KUNG MAPATUNAYAN nga na hindi makatarungan ang pag-ari ng isang indibidwal sa isang network, kakampi pa rin kayo sa lumabag sa batas?

"Tanong lang po, boss sir amo chief."

May ilan pang personalidad ng network ang naghayag ng kanilang saloobin sa post ni Jimmy, kabilang na ang comedian-director John Lapus at ang direktor na si Theodore Boborol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close