Derrick Monasterio's goal: "To be the sexiest man in the world.!"

Derrick has been posting a lot of revealing photos lately on his Instagram.
by Glenn Regondola
May 25, 2019
PHOTO/S: Left: Glenn Regondola | Right: @derrickmonasterio on Instagram

Isang pilyong ngiti ang laging sagot ni Derrick Monasterio, kapag pinapansin ang sexy posts niya sa kanyang social media account.

Halos araw-araw binubusog ng Kapuso actor ang mga mata ng netizens sa kanyang topless pictures at hunky posts lalo na ngayong nagsu-shoot siya ng pelikulang G-LU sa La Union, kasama ang ilang local hunks ng showbiz.

Kaya nang matiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa isang show sa Bulacan bago pa man ito magbakasyon sa U.S. noong nakaraang linggo ay hiningi namin ang reaksiyon niya tungkol dito.

Pahayag niya, “Taray! Nakakatuwa, nakaka-flatter.

“Nakakatuwa na yung hitsura ko, pasok pala sa...

“Kaya, hindi ako puwedeng tumaba.

“At siyempre, kailangang laging good image. Hindi ka puwedeng nakikitang nasa bar, although, di naman ako naggaganun, e.”

Pero, bukod doon, may iba pa rin daw siyang dahilan kung bakit hilig niya ang magpu-post ng kanyang magandang physique.

Saad ng 23-year old actor, “Bukod sa fitness, gusto ko rin talagang maka-inspire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tayo naman ay very determined, and they will sacrifice to get the things they want. Yun ang importante dun.

“We Filipinos are known to persevere. Matiiisin tayo at lahat pagdadaanan, at makikita nila yun through my pictures.”

Ano ba ang gusto niyang ma-achieve sa pagpapaganda pa lalo ng kanyang katawan? Sa kanyang walang tigil na pagdyi-gym kapag mayroong pagkakataon.

Halos pasigaw niyang sabi, “To be the sexiest man in the world.

“Yun nga. Ha-ha-ha!

“Di ko alam. More workout and more...ano.

“Diet din ako—no rice, no soda, no fast food. Maraming water, vitamins sa umaga.”

DERRICK CARES FOR THE ENVIRONMENT

Samantala, ipinagmalaki rin ng Kapuso actor ang pagmamahal niya sa kalikasan na kinahihiligan na rin niya ngayon.

Ayon sa leading man ng pelikulang Kiko En Lala, “As an ambassador of peace and environment. Ha-ha-ha!

"Di, as a steward of God’s creation, we should learn to protect our environment. It’s our home, so dapat talagang alagaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya yung vacation ko noon sa Boracay, hindi lamang basta vacation yun.

“Minsan nga yung nakikita ko yung mga tao na nagkakalat, medyo kinu-call ko yung attention nila.

“Sabi ko, ‘Oy, may basurahan.’"

Kaya nga raw, gusto niyang ma-involve sa projects tungkol sa mga kalikasan at gagawin niya raw ito ngayong nakabalik na siya mula sa kanyang bakasyon sa bansa ni Uncle Sam.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Left: Glenn Regondola | Right: @derrickmonasterio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results