Cameron Diaz, Bradley Cooper PH sighting: look-alikes, not the real deal

IMAGE Courtesy: @happyongpauco_tiu on Instagram

Bradley Cooper, Cameron Diaz sighting in Palawan: look-alikes, not the real deal


Umingay noong nakaraang Martes, May 21, ang diumano’y sightings ng Hollywood stars na sina Cameron Diaz at Bradley Cooper sa El Nido, Palawan.

Ito ay nag-ugat sa Instagram post ng food entrepreneur na si Happy Ongpauco-Tiu kunsaan nagbahagi siya ng mga larawan ng kamukha ni Cameron at Bradley na diumano ay bumisita sa kanilang barbeque house sa Palawan.

Sabi niya sa kanyang caption, “Guess who came by to visit us at I Love Backyard BBQ Palawan (three heart emojis) @camerondiaz?!? #Bradleycooper!???#happyconceptgroup @happyconceptgroup#ilovebackyardbbq"

Ngunit sa comments section, marami namang nagsasabi na hindi raw ang mga nasabing sikat na Hollywood stars ang nasa larawan.

Kabilang sa mga nag-comment ay ang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila at ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Ayon sa dalawa, hindi raw si Cameron yung babae sa larawan, na sumikat nang husto dahil sa Charlie’s Angels series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilan ding netizens na nagsabing hindi rin daw yung lalaki sa larawan ang pamosong aktor mula sa pelikulang A Star is Born

As of press time, marami na ring online sources ang nagkumpirmang hindi nga sina Bradley at Cameron ang namataan sa Palawan kundi mga look-alikes lamang.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN