Anne Curtis's dream to star with Aga Muhlach comes true


Anne Curtis stars with her idol Aga Muhlach in Star Cinema's Waiting For Your Love.



Nerbiyos na nerbiyos si Anne Curtis sa first day of shooting ng movie nila ni Aga Muhlach sa Star Cinema, Waiting For Your Love, sa direksyon ni Joey Reyes. Bata pa lang kasi si Anne ay ultimate dream na niya na makapareha sa big screen ang hinahangaang aktor. Hindi pa rin siya makapaniwala na natupad na ang matagal na niyang pangarap.



"Grabe! Kanina pa ako nate-tense!" bungad ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng movie nila sa The Fort noong Martes, August 7.



Kinabahan siya dahil sa mga narinig niyang balita kung gaano ka-professional at kahusay umarte ni Aga. Pero si Aga na rin ang nagpakalma kay Anne sa set at diretsahang sinabi ng aktor that she has nothing to worry about.



"We'll just enjoy. Huwag kang ma-tense," birong seryoso ni Aga kay Anne.



Bagong hubog ngayon ang katawan ni Aga sa movie nila nina Maricel Soriano at Angelica Panganiban na A Love Story, na ipapalabas sa August 15. Mabubusog ang kanyang fans sa dami ng eksena niyang naka-topless sa beach at idi-display ang kanyang seksing katawan.



Natawa na lang si Anne nang tuksuhin namin siya na baka magselos ang natsitsismis na boyfriend niya ngayon na si Sam Milby kay Aga.



Dalawang araw bago ang shooting ng movie nila ni Aga, magkasabay na dumating sa first Grand Ball ng ABS-CBN Star Magic sina Anne at Sam. Hindi naman itinanggi ni Anne na sinundo siya ni Sam sa bahay niya sa Sucat, Parañaque, papuntang Hotel InterContinental sa Makati.



Si Sam din ang katabi ni Anne sa simula hanggang matapos ang event sa Grand Ballroom ng Hotel InterContinental. Sa shooting ng movie nila ni Aga, hindi rin nag-deny si Anne na pagkatapos ng Ball ay hinatid din siya ni Sam sa bahay niya.



"I think naman it's only proper na siya rin ang maghatid sa akin pauwi since siya naman ang kasama ko na dumating doon. And knowing Sam, he's so gentleman na kahit hindi siguro ako ‘yung kasama niya that night, he will do the same.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Alangan naman na pagkatapos niya akong sunduin sa bahay, pagdating sa Ball, e, pabayaan na lang niya ako sa iba, di ba?



"I don't know how people want to see or interpret ‘yung sa amin ni Sam. But really, we're good friends. Mas focused kami sa work namin," pagtatapos ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN