Quark Henares ties the knot with Bianca Yuzon in Bali

IMAGE @thejojieworld on Instagram

Quark Henares and Bianca Yuzon tie the knot in an intimate Christian wedding ceremony on Saturday, May 25, at Alila Villas Uluwatu resort in Bali, Indonesia.


Higit isang taon matapos ang kanilang engagement, ikinasal na si Quark Henares sa fiancée nitong si Bianca Yuzon.

Si Quark, film and commercial director, ay anak ni Dra. Vicki Belo at ng dating asawa nitong si Atom Henares.

Naganap ang Christian wedding ceremony nina Quark at Bianca sa Alila Villas Uluwatu, isang luxury resort na matatagpuan sa Bali, Indonesia.

Isa si Vicki sa mga naunang bumati sa bagong kasal. 

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang celebrity beauty doctor ng isang mensahe para sa kanyang anak.

Aniya, "I might not have always been the best mother @quarkhenares but you have always been the best son. Breathing him in before he becomes @biancayuzon s forever. #qbcome1"

Buong puso namang tinanggap ni Atom ang kanyang bagong manugang sa kanilang pamilya.

Sa isang Instragram post, sinabi nito: "Another very happy moment for us. Welcome to the family Bianca. #qbcome1"

Na-touch naman ang kapatid ni Quark na si Cristalle Belo-Pitt sa wedding vows nito para sa kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi ni Cristalle ang video ng wedding vows ni Quark para kay Bianca sa kanyang Instagram account.

Caption niya rito: "Just the sweetest vows you will ever hear! For those that don’t know, @quarkhenares is such a good writer that he won a Palanca Award when he was 19 years old! ???? #QBcome1"

Kasama ni Vicki na dumalo sa kasal ng kanyang anak ang asawa nitong si Hayden Kho Jr. at ang kanilang anak na si Scarlet Snow.

Taon 2015 nang maging magkarelasyon sina Quark at Bianca.

Noong April 2018 nag-propose si Quark kay Bianca.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN