What's next for Jiggy Manicad after failed senatorial bid?

IMAGE Facebook

Jiggy Manicad: "Hindi man ako nakapasok, alam kong solid ang base ng mga boto sa akin dahil ni isa sa mga ito ay walang binayaran, sinuhulan, tinakot o inuto."


"Abangan ang susunod na kabanata."

Ito ang sagot ng broadcast journalist na si Jiggy Manicad nang itanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang mga plano matapos ang kandidatura niya bilang senador sa mid-term polls na nangyari noong May 13, 2019.

Hindi pinalad manalo ang former GMA News anchor, pero parang nagwagi na rin siya dahil sa mga aral na natutunan at mga taong nakilala niya noong panahon ng kampanya.

Pagbabahagi ni Jiggy, "Sa past three months, nagkampanya ako mostly by land.

"So ang tinakbo ko pabalik-balik is about mga 40,000 kilometers.

"Very interesting kasi, as a journalist, hindi ko pa na-experience yun.

"At same time, marami akong nakilala at naging kaibigan.

"Para sa akin, napakaganda na experience ang politics kasi dito ko nasala yung totoong kaibigan, mga nagpapanggap na kaibigan, mga totoo at plastic at, siyempre, mga bago at totoong kaibigan.

"Plus before, as a journalist, maraming urban legend na hindi ko nakita pero first-hand ko na nakita sa kampanya, sa behavior ng mga tao, behavior ng mabuti at masama, at marami pang iba na hindi ko puwedeng idetalye o isapubliko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT FOR TITLE OR PRESTIGE

Nilinaw ni Jiggy na walang kinalaman ang titulo at prestige kaya nagdesisyon siyang subukan ang kapalaran sa mundo ng pulitika.

Mas nangingibabaw raw sa kanya ang hangaring matulungan ang mga mahihirap na Pilipino.

"Pumasok po ako sa politics hindi po dahil sa titulo, prestige o kung anuman.

"Bilang isang journalist, nakita ko ang mahirap na buhay ng mga Pilipino na dahilan para i-offer ko ang aking kaalaman at kakayahan.

"Hindi man ako nakapasok, alam kong solid ang base ng mga boto sa akin dahil ni isa sa mga ito ay walang binayaran, sinuhulan, tinakot o inuto. 

"Bumoto sila dahil naniniwala sila sa aking plataporma at prinsipyo at naantig sa parteng yun."

Ayon pa kay Jiggy, "On the spritual side, test of faith siya para sa akin.

"Hindi naman po sa pagmamayabang, subalit masasabi kong nasa top ako ng aking career nang sumubok akong magsilbi nang diretso sa mga tao, apat na TV shows na rater lahat at income earners sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero binigyan ako ng discernment ni Lord kaya kahit po limitado ang resources, hindi kami napagod dahil alam namin na ang aming laban ay hindi lamang laban ng mahihirap kundi para rin sa Panginoon. 

"Sa ngayon ay itutuloy ko lang po ang aking adbokasiya—ang learning advocacy sa mga komunidad at iba pang nasimulan ko noon pa man bago ako pumasok sa politics.

"Yung pagbalik sa TV, abangan niyo po ang susunod na kabanata," sabi ni Jiggy.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN