FIRST READ ON PEP: Angel Locsin back in the Philippines to face controversies


"Mahirap naman ‘yon na basta na lang pupunta doon si Angel nang walang abiso, kasi baka hindi rin siya harapin o wala naman doon ang mga sasadyain niya. The best thing to do first is magsabi muna siya na pupunta siya bago dumiretso doon," says Angel Locsin's manager, Becky Aguila, about the young actress' plan to meet with GMA-7 executives to formally bid them goodbye.



Dumating na kaninang umaga, past 5 a.m., ang controversial young actress na si Angel Locsin mula sa Los Angeles. Sinundo siya sa airport ng kanyang ama na si Mr. Angel Comenares, kapatid na si Ella, at ang manager na si Becky Aguila.

Sumalubong din sa kanya ang iba't ibang TV crews ng ABS-CBN. Surprisingly, sinalubong din si Angel ng crew ng GMA-7 mula sa kanilang news program at showbiz talk show na Startalk, na nakatampuhan ni Angel nang umalis siya papuntang US.

Mula sa airport, nag-breakfast muna sa Manila Pen si Angel at kanyang mga kasama. Pagkatapos ay dinala ni Angel ang kanyang ama para ipa-check-up sa Asian Eye sa Rockwell.

Hindi pa rin agad umuwi ng bahay niya sa Don Antonio Heights Subdivision sa Quezon City dahil may mga errands pa raw silang gagawin.

Malabo rin daw na dumaan ngayong araw na ito si Angel sa dati niyang Kapuso network para pormal na magpaalam. Nang nakausap namin ang manager ni Angel, sinabi niya sa amin na even if Angel wants na mag-personal appearance pa rin sa mga executives ng GMA-7, hindi rin daw pupunta doon basta-basta ang kanyang alaga.

"Mahirap naman ‘yon na basta na lang pupunta doon si Angel nang walang abiso, kasi baka hindi rin siya harapin o wala naman doon ang mga sasadyain niya. The best thing to do first is magsabi muna siya na pupunta siya bago dumiretso doon," pahayag ni Becky.



Sa pagdating ni Angel kanina, lumabas na hindi totoo ang tsismis na nagpunta na sa GMA-7 si Angel dahil may nakakita raw sa white Hummer na kotse ng young actress. Pinabulaanan ng malalapit kay Angel na hindi puti kundi kulay itim ang Hummer ni Angel.



Mula sa London, kung saan tinapos ni Angel ang ilang linggong crash course on fashion design, dumaan muna ng U.S. ang young actress for a two-day vacation bago bumalik ng Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon kay Becky, nagpunta raw sa beach sa U.S. si Angel at nag-swimming nang nag-swimming. Sa Marriotte Hotel nag-stay for two days ang young actress nang libre, bigay ng kanyang sponsor doon. Isa rin si Bryan Furlow, na dating member ng Universal Motion Dancers, ang nag-treat kay Angel sa States.



According to our source na malapit kay Angel, sa Sabado, August 11, na pipirma ng kontrata ang young actress sa ABS-CBN, hindi sa Biyernes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN