Alex Gonzaga slams basher laughing at her dad's defeat in Taytay mayoral race

IMAGE @cathygonzaga Instagram

Alex Gonzaga calls out basher who's making fun of her dad Bonoy Gonzaga's loss in the 2019 elections.


Hindi pinalampas ni Alex Gonzaga ang pangmamaliit ng isang basher sa pagkatalo ng kanyang ama sa May 2019 elections.

Ang ama ni Alex na si Bonoy Gonzaga—incumbent vice mayor ng Taytay, Rizal—ay kumandidato bilang alkalde laban sa reelectionist na si Mayor Joric Gacula. 

Kahapon, May 30, nag-post si Alex sa Instagram ng litrato kasama ang mga magulang niyang sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty.

Throwback photo iyon noong nagbakasyon sila sa Europe, kalakip ang caption na "rewarding" para sa kanya ang mapasaya ang mga magulang.

Sa comments' section, nang-uyam ang isang basher sa dami raw ng oras ng ama ni Alex na mamasyal dahil talunan umano ito sa eleksyon.

Kalakip ng laughing with tears at tongue sticking out emojis, nang-iinis na hirit ng basher, "Dami na time ni Daddy no @cathygonzaga #talo"

Diretsahang sinagot ni Alex ang pambabatikos sa kanyang ama. 

"@g10090501 yes more time for our family, apo, business and to serve the Lord fulltime again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He has more time now but still not enough to comment on someone's picture like you. #Sad life for you"

Hindi pa rin natigil ang basher at muling inasar si Alex.

"@cathygonzaga lel, uy na hurt ka ng bahagya no? #TaloPaRin," saad ng basher kalakip muli ang isang laughing with tears emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta ulit ni Alex, "@g10090501 hindi at all natawa sayo kasi akala mo mahuhurt kami sa troll [laughing with tears emoji] poorness"

Noong May 14, partial and unofficial results pa lang ng 2019 elections ang lumalabas pero maluwag na tinanggap ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga ang pagkatalo ng kanilang ama sa mayoral race sa Taytay. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-post pa sila sa kani-kanilang social media accounts na proud pa rin daw sila sa accomplishments ni Daddy Bonoy sa pinaglingkuran nitong bayan. 

Bahagi ng mensahe noon ni Alex para sa kanyang ama, "You fought a good fight daddy. Praise God for everything!!" 


Stories We Are Tracking

Alex Gonzaga personally apologizes to Paranaque Mayor Edwin Olivarez
Alex Gonzaga personally apologizes to Paranaque Mayor Edwin Olivarez
Toni Gonzaga accepts father Bonoy Gonzaga defeat in mayoral race in Taytay, Rizal
Toni Gonzaga accepts father Bonoy Gonzaga defeat in mayoral race in Taytay, Rizal
Toni, Alex Gonzaga recall hard times of family
Toni, Alex Gonzaga recall hard times of family
Alex Gonzaga at Paranaque Mayor Edwin Olivarez, tapos na ang tampuhan
Alex Gonzaga at Paranaque Mayor Edwin Olivarez, tapos na ang tampuhan


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN