Katrina Halili on DJ Mo Twister: "Hindi ko rin siya gusto!"


"Lagi akong ina-award nun. I don't like him, hindi siya totoo dahil mabait pag nakikita ako. May oras din siya, may karma rin siya. Pero ‘di ko siya aawayin," laments Katrina Halili about DJ Mo Twister.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina Halili sa presscon ng Marimar noong August 7 sa Studio 3 ng GMA Network.

Hiningi namin ang reaksyon ng sexy young actress sa tila hindi pagsang-ayon ni Mo Twister na siya ang nanalo over Cristine Reyes sa poll na ginawa ng Showbiz Central last Sunday, August 5, kung sino ang mas sexy sa dalawang young actresses. Si Katrina ang nanalo sa poll at parang hindi masaya ang radio jock.



"Ewan ko ba, lagi akong inaaway nun [DJ Mo]," sabi ni Katrina. "Hindi ko alam, every time naman nagkikita kami at kaharap niya ako, ang bait-bait niya sa akin. Pag ini-interview siya tungkol sa akin, iba na ang sinasabi niya.

"Wala akong pakialam kung di niya ako gusto. Hindi ko rin siya gusto at hindi ko siya ipi-please kung ayaw niya sa akin."



Hindi pala sa Showbiz Central unang narinig ni Katrina na nag-comment ng hindi maganda sa kanya si Mo at palaisipan sa kanya ‘yon. Walang matandaang si Katrina na ginawa niya para okrayin siya ni Mo.



"Lagi akong ina-award nun. I don't like him, hindi siya totoo dahil mabait pag nakikita ako. May oras din siya, may karma rin siya. Pero ‘di ko siya aawayin," pahayag ni Katrina.



Nabanggit din ni Katrina sa PEP na magpapahinga siya after Marimar. Two to three weeks lang naman daw ang hihingin niyang bakasyon.

Uuwi raw siya sa Palawan para mag-recharge. Kaya lang, next year pa siya makakapagbakasyon dahil balita namin, up to February next year ang takbo ng Pinoy remake ng Mexican telenovela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN